PICTURES FIVE YEARS LATER A lot of things happened after the accident. Mahigit isang linggo akong nakaratay sa hospital bed dahil sa tinamong mga sugat. Ang dami-daming nangyari sa buhay ko simula ng umapak ako sa mansyon. Simula ng mapadpad ako sa mundo ni Sebastian. Sa dami ng nangyari ay minsan iniisip ko na lamang na panaginip lang ang lahat. Na darating ang araw na magigising ako na normal na ulit ang takbo ng buhay ko. Na hindi ko nakilala si Sebastian. Na hindi ako nasangkot sa organisasyon. Na hindi ako nakaranas ng matinding sakit. Pero kahit gaano ko kumbinsihin ang sariling okay na ako...nakalaya na ako..wala na si Sebastian sa buhay ko ay hindi ko parin maiwaglit ang takot na nasa aking dibdib sa kadahilanang araw-araw akong pinupukaw ng katotohanan. Ang katotohanang wala n

