SEBASTIAN'S POV LEAVE Malakas akong napasigaw sa galit na nararamdaman. Nag-iwas ng tingin ang aking mga tauhang nasa loob rin ng aking opisina. Mabibigat ang aking hininga. Napasalampak ang babaylan sa sahig habang hawak-hawak ang leeg nito. Nabalot ng katahimikan ang apat na sulok ng aking opisina. Walang nangahas na magtanong. Pinaglaruan ko ang hawak na baril. Kinasa ko ito na nagpaatras sa kanilang lahat. Maging si Giselle ay iyon din ang ginawa. "Tawagan nyo—hindi. Akin na ang telepono at ako mismo ang tatawag sa klinika!" utos ko. Nagkagulo ang lahat sa paghahanap ng telepono. Nanginginig na lumapit sakin ang isa sa kanila at inabot ang aking kailangan. Kaagad ko itong kinuha at tinawagan ang numero ng klinika. Ilang ring na ngunit hindi parin sinasagot. Nagdilim ang aking pani

