BLOOD Ang liwanag na dala ng bilog na buwan at ang pagkislap ng bituin sa kalangitan ang nagsisilbing saksi sa gabing naghahari ang kasamaan. Ang tunog ng mga kuliglig ay nagsilbing musika...hudyat na paparating na ang pinakamabigat na kakaharaping parusa. Nakapwesto ako sa gitna ng dalawang poste at nakakadena ang aking mga kamay. Nanatili akong nakatingala sa kalangitan at pinagmamasdan ang kadiliman. Nagkaroon ng komusyon, pinalilibutan ng mga manggagamot sa organisasyon ang Don habang ang duguang si ama naman ay marahas na kinarga ng dalawang lalaki at dinala sa hindi ko alam kung saan. Ang tanging ipinagpasalamat ko na lamang sa kabila ng emosyonal na sakit na nararamdaman ay ang pagpapakawala nila sa bata. Kahit siya man lang ay makaligtas. Pinasadahan ko ng tingin sina ina, puno

