SWEETHEART Nakakarinig ako ng mga sigawan, bulong-bulungan at kalabog ng pintuan. Mga yabag ng paang tila'y hindi mapirmi. Naalimpungatan ako ng unti-unting lumilinaw ang aking pandinig. Kasabay noon ang unti-unting pagbukas ng aking mabibigat na mga mata. Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Jessica na naka'ekis ang mga braso habang kinakausap ang nakaputing lalaki. Hindi ito pamilyar sakin. "Ano ang ibig mong sabihin Jessica?" nakakunot ang noong tanong ng lalaki. Hindi nila ako napansin sapagkat parang kapwa sila seryoso sa pinag-uusapan. "Narinig mo ang sinabi ko Ismael. Isama mo sa ambulansyang maghahatid sa Don si Christina. Iyon lang ang naiisip kong paraan na walang maghihinala." Napasabunot sa buhok ang lalaki. Ngayon ko lang napansing nakasuot ito ng lab coat. Isang doktor. "Na

