PAINFUL PUNISHMENT THAN DEATH "Sandali!" Napatigil ito sa paghakbang palabas dahil sa pagtawag ko. Hindi ito pumihit paharap, nanatili itong nakatalikod. Nagdadalawang-isip ako kung tatanungin ba ito ukol sa isiping gumugulo sa aking isipan simula pa kahapon. Sa bandang huli ay nanaig ang aking kuryosidad. "Alam mo ba, alam mo ba na ako ang maygawa sa nangyari kay Mr. Smith? Noong gabing iyon, nang lipunin ang lahat ng kababaihan...you were looking at me. Sakin nakadirekta ang iyong paningin na wari ba'y may alam ka. Sagutin mo ako Sebastian, sa simula palang ay alam mo na ba na ako ang may gawa?" lakas loob kong saad. Nanatili ang aking paningin sa malapad niyang likod. Hindi siya lumingon. Hindi siya nag-abalang tingnan man lamang ako. "Naroon ako. Naroon ako ng gabing iyon. Nakita

