AKO ANG MAY GAWA Hindi ako madalaw-dalaw ng antok. Parang ayokong ipikit ang aking mga mata dahil natatakot akong dalawin ng bangungot sa nagawa ko. Totoo nga talagang kapag nakagawa ka ng masama ay hinding-hindi ka patutulugin ng iyong konsensya. Binabalik-balikan ako ng mga pangyayaring naglalaro sa aking isipan. Kahit anong pahid o linis ko sa aking mga kamay ay hindi parin mawala-wala sa aking paningin ang dugo dito. Para itong mantsa na ayaw matanggal. Isang kasalanang dadalhin ko hanggang sa pagtanda. Hindi rin mawala sa aking isipan ang mga mata ni Sebastian. Ang mga mata nitong mababakasan ng kakaibang emosyon. Isang emosyong naghatid ng takot sa bawat himay-may ng aking katawan. It's vemonous...dangerous. "Sa tingin nyo ba? Isa kaya sa atin ang salarin?" rinig kong saad ng isa

