REHAS "The gate is now open. Ngayong nahanap na namin ang aming hinahanap ay maari nyo ng lisanin ang mansyon. Malaya na kayong makakauwi. Thank you for accepting our invites." maawtoridad na saad ni Sebastian. Habang sinasabi niya iyon ay hindi nawawala sa akin ang kanyang paningin. Nakita ko ang pagpulupot ng kamay ni Giselle sa braso nito. Unti-unti nang lumalabas ang mga bisita. Tanging ang mga tauhan ng mansyon na lamang ang naiiwan. Nang tuluyang makalabas ang lahat ay kaagad na isinara ang pinto. "Spare the kid Sebastian. Sinabi mo kanina na papakawalan mo siya kapag nalaman nyo na kung sino ang sumaksak kay Mr. Smith. Now that you know it's me, the child is innocent. Pakawalan nyo na sya." Nilapitan ako ng dalawang lalaki at ikinadena ang aking mga kamay. Hindi na ako nag-abala

