Chapter 1
PARASA na noon ng kaniyang maliit na tindahan si Kariang nang may naramdaman itong humawak sa kaniyang balikat, kung kaya napakunot ang kaniyang noo. 'Sino kaya ito? Kung kailan pasara na ako, eh," reklamo pa nito sa kaniyang isipan.
"Saglit lang po," wika na lamang ng dalaga at itinuloy ang pagsara ng kaniyang maliit na tindahan.
Pero nagulat siya sa mga sumunod na pangyayari.
Dahil ang kaninang humawak sa kaniya balikat ay nakaramdam siya ng matulis na bagay sa kaniyang tagiliran.
Hinawakan din siya nito sa kaniyang braso. At kinaladkad palabas ng tindahan niya. Hinila rin siya nito sa matatalahib na damo, kung kaya nagsisigaw ang dalaga.
"TULONG! TULONG! Tulungan n'yo po ako!" malakas na sigaw ni Kariang habang pilit siyang pinapahiga sa damuhan ng lalaking naka suot ng bonnet at mata lamang ang kaniyang nakikita.
Pilit na nanlaban si Kariang at kumakawala sa lalaking naka bonnet.
'Diyos ko po! Napaka lakas ng lalaki na ito. Mukhang hindi ko na kaya pang manlaban sa kaniya," wika ni Kariang na pilit na itinutulak ang lalaki na nakapatong sa kaniya.
Hanggang sa maisip nito si Totoy Bato.
'Asaan ka na ba? Ngayon kita kailangan, mukha atang mauunahan ka pa ng manyakis na ito," wika ni Kariang sa kaniyang isipan na takot na takot.
'Wala na akong nakikitang ibang paraan kung hindi ang gawin ito," pahabol pa na wika nito sa kaniyang isipan.
Habang nakapatong ang lalaki na nakasuot ng bonnet ay buong lakas nitong tinuhod ang hinaharap ng lalaki.
At napasigaw ito sa sakit. "A-Aray! Buw*sit ka talagang babae ka!" wika ng lalaking naka-bonnet at nakatingin ng masama kay Kariang.
Doon ay nagkaroon ng pagkakataon na bumangon sa pagkakahiga ang dalaga at kitang-kita nito ang itsura ng lalaki na napapangiwi sa sakit, habang matalim siya nitong tinitingnan.
Dahan-dahan at pinilit na naglakad ang dalaga habang napapaluha 'to.
"Diyos ko! Asaan ka na bang Totoy bato ka?"
Nakakalayo na sana ito sa lalaking mapagsamanta. Ngunit hinila ang kaniyang paa. Kung kaya natumba ito at napasubsob.
Hanggang sa pinatungan na naman ng lalaki ang dalaga at bigla siya nitong sinuntok sa sikmura.
Nanghihina si Kariang dahil sa sakit na ginawang suntok ng lalaki sa kaniyang sikmura. Narinig na lang nito ang sinabi ng lalaki. "Sa akin ka na ngayon, Kariang."
Halos mapapikit sa sakit na nararamdaman ang dalaga at naramdaman din nito na tinatanggal ng lalaki ng dahan-dahan ang botones ng blouse niyang suot.
'Diyos ko, hndi ko na kaya pa, kayo na po ang bahala sa 'kin," wika nito sa kaniyang isipan na wala ng magawa.
Hanggang sa nakaranig na lang siya ng pamilyar na boses at sumisigaw ng "KARIANG! HAYOP KA!"
nakita na lang ng dalag na hinila nito ang at kinaladkad ang lalaki na nakapatong sa kaniya at pinagsusuntok ng pamilyar na lalaki ang lalaki na naka-bonnet.
Hanggang sa napuruhan ang naka-bonnet na walang kalaban.
Naramdaman na lamang ni Kariang? binuhat ako ng pa bridal style ng pamilyar na lalaki, kung kaya napa kapit ako sa kanya at nang nakarating na kami sa tindahan ko at natapat sa ilaw at ng tignan ko ang mukha ng tao na nagbuhat sa akin ay.
Ay lumaki ang mga mata ko, at nakaramdam ako ng init sa pisnge.
At dali-daling bumaba sa pagkakabuhat nya sa akin.
"Diyos ko! Si Totoy bato ang nag ligtas sa 'kin.
Wika ko sa aking isipan, na hindi makatingin sa kanya, at hindi makapaniwala.
"At bigla nyang hinawakan ang braso ko. Kung kaya napa tingin ako sa kanya ng may pagtataka sa mukha at sinabing.
"Ops! Wag mo akong hawakan!
"Bakit? "Tanong ni Kariang.
Nang bigla akong lapitan ni Totoy bato at hinawakan ang pisnge ko ng isang palad nito.
At dahil sa ginawa nya ay hindi ako makagalaw at napa tingin ako sa napaka gwapo nyang mukha at napapalunok habang napapa sulyap ako sa adam's apple nya napapalunok na rin ako.
"Shety," ang gwapo ng mukha nya, at hindi ako mag sasawang titigan siya, dadag pa itong adam's apple nya at ang braso nya na naghihimutok ang muscle, tinignan ko ang mukha nya na bakas ang pag-aalala. At sinabing.
"May putik sa mukha mo! Wika ni Totoy bato na may nakaka lukong ngiti.
Kung kaya napa atras ako sa kanya at sinabing.
"Hoy! Anong gagawin mo? "
At lumayo ako sa kanya ng bahagyan.
"Bakit ?"
"Ano ba sa tingin mo ang gagawin ko sayo?"
"Gayong alam ko naman na patay-patay ka sa 'kin, wika ni Totoy bato na may nakakalukong tingin at tumatawa.
"Ang kapal mo!" Wika naman ni Kariang, habang naka talikod at palihim na napapangiti. At pina mumulahan ng mukha.
"s**t!" Kinikilig naba ako?" Wika nito sa kanyang isipan.
"Mabuti pa ihahatid na kita?" Wika ni Totoy bato.
"Baka kasi mamaya manyare ulit iyon.
Alam mo naman dito sa atin diba?
"Nakita mo ba yung mukha nang lalaki? Tanong ni Kariang.
"Hindi eh' saglit lang tignan ko.
Pinuntahan ni Totoy bato ang lalaki na naka mask ngunit wala na ito sa kinaroroonan nya.
"Bwisit!" Hindi ko manlang nakita ang mukha nya, nawala sa isip ko dahil nakatuon ang pansin ko kay Kariang. Wika nito sa kanyang isipan.
At ng nakabalik na ito sa tindahan ni Kariang ay nakita nya si Kariang na naka sarado na ng tindahan nito, at may buhat buhat na basket.
Kung kaya tinulungan nya agad ito at sinabing.
"Ako ng mag bubuhat nito at mabigat, wika ni Totoy bato, habang nakikipag agawan sa basket na hawak ni Kariang at naka hawak sa kamay ni Kariang habang nakahawak sa basket nitong dala.
"Shety," hinawakan pa talaga nya ang kamay ko ah,' imbes na basket ang hawakan nya kamay ko po talaga, kaya binitawan ko ang basket at sinabing.
"Oh,' di ikaw ng magbuhat, total malakas ka naman eh,' wika ni Kariang na napapangiti ng palihim.
"Ngunit nag susungit kunware.
"Oh ano? nakita mo na naba yung mukha ng nakamask?" Tanong ni Kariang.
"Hindi eh,' naka takas siya, wika ni Totoy bato.
"Sa susunod Kariang hintayin mo nalang ako dito, at mag sara kanalang ng maaga.
"Para maka iwas ka sa mga gano'ng
pang-yayari at dapat kasama mo ako parati para may taga pagtanggol sayo.
"Paano nalang pala kung hindi ako naligaw dito?" Baka napaano kana. Wika ni Totoy bato ng pag-alala sa mukha.
"Napa isip tuloy ako. Oo nga ano?" Paano nalang pala kung hindi siya dumating? Baka nga napahamak na ako.
"Ano ba naman ito si Totoy? kinikilig na tuloy ako sa mga pinag-sasabi nya.
"Pasalamat ka at kaya kung magpigil ng nararamdaman ko, at pipigilan ko hanggang kaya ko. Wika ni Kariang sa kanyang isipan.
At sinabi nyang.
"Ang mabuti pa Totoy, turuan mo akong mag self defense, para sa susunod alam kung ipagtanggol ang sarili ko kahit wala ka.
"Isa pa maaga nalang akong mag-sasara para hindi na maulit yo'n, at nakaka hiya naman sayo wag na, hindi mo naman ng kailangan pang gawin. Wika ni Kariang.
"Napapansi ko Kariang madalas lahat ng tulong na gusto kong ibigay sayo tinatanggihan mo.
"Ayaw mo ba talaga sa akin Kariang?"
"Hindi naman sa ayaw, ayuko lamang na nakaka-abala sa ibang tao.
"Pero sige, magpapaturo ako bukas ng self defense. Wika ni Kariang na may ngiti sa labi.
"Hindi ka abala sa akin Kariang, at alam mo iyan, wika ni Totoy bato ng may kakaibang tingin sa akin.
"Hoy!' Totoy bato, wag ka ngang maka
tingin- tingin ng ganyan sa akin.
"Baka gusto mong isa-isahin ko lahat ng utang mo?" Wika ni Kariang na may pag susungit.
"Halikananga! At ihahatid na kita sa inyo at susunduin pa kita bukas ng maaga. Wika na lamang ni Totoy bato, at natatakot kay Kariang at nagkakamot sa ulo.
"Basta ikaw Kariang nanginginig- nginig pa.
"Tara na nga, at ng makapag pahinga kanarin, Wika ni Kariang kay Totoy bato.
At naglakad na sila papalayo sa tindahan.