Allison's POV Napadilat ako ng biglang may humawak sa balikat ko. "Maam nandito na po tayo." sambit ng flight attendant at napatayo agad ako. "Sorry." pagpapaumanhin ko at tumango naman siya. Kinuha ko na ang mga gamit ko at nagsimula ng maglakad paalis ng eroplano. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan malungkot, hindi ko rin alam kung bakit. Cheer up Allison Bulong ko sa utak ko at pumara na ng taxi. Narito ako ngayon sa probinsya namin at mabuti na lang ay may nakalagay na address sa likuran ng litrato namin ni ate Stacey kaya naitanong ko kay Mama. Gusto kong kilalanin kung sino ba talaga ako. Pagkapasok ko sa loob ng taxi ay nagsimula na nitong pinaandar ang makina. Habang tumatagal ay nakikita ko ang mga lugar dito sa probinsya kasama na ang sariwang hangin. ibang-iba sa mani

