Allison's POV Napadilat ako ng maramdaman kong tila bumigat ang tiyan ko. Napatingin ako sa katabi ko na ang sarap ng tulog habang humihilik pa. Nanliit ang mata ko kasabay ng pagtanggal sa paa nito pero binalik niyang muli. Inis kong hinarap si Lion. "Lion huwag ka ngang dumagan ang bigat mo." angal ko sa kanya at tanggal muli ng hita nito. "hmm." Halatang pagod ito dahil kagabi lang kami nakauwi galing probinsya. Naipakilala ko na rin kila tita si Lion bilang boyfriend ko. Niligawan ako niya ako ng isang linggo at hindi ko na maitanggi pa na excited akong sagutin siya kaya walang anu-ano ko itong sinagot. Natatakot akong baka mawala na naman siya sa akin kaya hindi na ako nagdalawang isip pa. Naniniwala ako na kahit dalawa pa ang choice mo na sa kamay mo pa rin ang kapalaran at hind

