
When her love turns into an obsession
Si Amelia Dela Cruz ay isang dalagang Maganda, matalino masayahin pero sa gitna ng kanyang mga ngiti ay may pait na pinag daanan , mula pa pag kabata ay saksi na siya sa pag tatalo ng kanyang mga magulang dahil may kabit ang kanyang ama at sumama na sa ibang babae , pati rin ang kanyang ina ay iniwan nalang din siya basta-basta , sa murag edad niyang dose anyos ay itinaguyod niya ang sarili niya para mabuhay at makapag aral .
Isang taon nalang ga-graduate na siya sa koliheyo. laking pa-sasalamat niya ay tinulongan siya ng kanyang long time suitor na si Samuel Tan na ngayon ay boyfriend na niya, para maka pag trabaho at maka sahod ng malaki para pang tustos niya sa pag araw-araw at gastos sa pag aaral ayaw niyang binibigyan siyan ni Sam ng pera gusto niya pag hirapan ito
pero nung graduation niya ay hiniwalayan na siya ng kanyang boyfriend dahil nasasakal nadaw ito sa kanya
Samuel Tan - is a young billionaire and CEO of the biggest Airline in Asia everywomen praise and adore him because of his handsomeness and power but his heart only belongs to Amelia Dela Cruz pero may trust issues siya sa ugali ng babae kahit mahal niya ito ay nasasakal na siya
'' No Amelia ! nasasakal na ako sayo '' sabi ko sa baretonong boses pero nasasaktan akong nakikita siyang lumoluha
'' I need to go '' hinawi ko ang kamay niya na naka hawak saaking braso upang pigilang umalis ,
kailangan ko ng umalis para mag palamig ulo , sa pag talikod ko at naka ilang hakbang pa lang ako ay narinig ko ang sinabi niya
'' ganyan naman kayo eh ini-iwan nyo ako palagi , sabi niya sa paos na boses at humi-hikbi at '' wala naman akung gusto kundi mahalin at alagaan '' parang kinurot ang puso ko sa sinabi ni Amelia , bumoga ako ng hangin at umalis at iniwan siyang luhaan
Subay-bayan po natin ang kwentong pag i-ibig ni Samuel at Amelia

