MAX “I am sorry,” iyon agad ang bumungad sa akin. Kita ko ang laglag nabalikat niya. Parang pagod na pagod din siya. Kanina ko pa ako nagising at kanina ko pa siya hinihintay. Gusto ko na ngang lumabas ng hospital pero pinagbawalan ako ng nurse na gumalaw nang gumalaw dahil raw sa tahi ko. “Anong sorry? Hindi mo ba siya nahanap? Baka naman nagpunta sa ibang lugar, nagpapahangin lang,” wika ko pero unti-unti nang nagka-crack angboses ko dahil sa nakikita kong hitsura ni Warren. “Max...” Huminga siya ng malalim kaya napigil ko naman ang hininga ko. “Wala na s’ya.” “Ha?” “Oo, nawawala nga s’ya.” Umiling si Warren sa akin at humakbang siya palapit sa kamang kinaroroonan ko. “Nahanap na namin siya. Pero... wala na s’ya. Nasunog ang bahay ng parents niya, naipit siya sa loob at—” “Hindi

