bc

My Sexy Tomboy

book_age18+
5.2K
FOLLOW
85.6K
READ
billionaire
love-triangle
HE
fated
opposites attract
friends to lovers
playboy
badboy
heir/heiress
bxg
witty
small town
like
intro-logo
Blurb

Si Max ang titibo-tibo pero ubod ng sexy na crush ng babaerong si Warren Smith. Ngunit paano niya mapapaibig ang babae kung babae rin ang gusto nito? Lalo na at abala si Max para buhayin ang kaniyang pamilya, habang si Warren naman ay sanay na lahat ng bagay ay nakukuha gamit ang pera.

Magawa kaya ni Warren mapalambot ang puso at pagkatao ng tanging babaeng nakapukaw ng kaniyang atensyon? Pero paano kapag nalaman nito ang kaniyang nakaraan? Baka tuluyan siya nitong layuan at hindi na niya ito mapaamo pa ng tuluyan.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
MY SEXY TOMBOY Warning: Matured content contains s*x, vulgar words, profanity, and violence. If you are 18 below, please don't read. This novel is entirely a work of fiction. The names, characters and incidents portrayed in it are the work of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, events or localities is entirely coincidental. MAX'S POV “WHAT'S UP, PRINCESS HANNAH MAE!” nakangising bati sa akin ng ulupong na si Warren na ikinalukot ng mukha ko. Ang lakas-lakas pa ng boses niya na para bang pinagsisigawan niya ang buong pangalan ko. Parang gusto ko siyang bigyan ng isang malakas na tadyak dahil sa pagtawag niya ng buo sa pangalan ko. Ang bantot-bantot na nga, binubuo pa niya. Pwede namang Max na lang pero gago kasi ang bwesit na ito. Palaging pinapakulo ang dugo ko. Kadarating ko lang galing trabaho at ang balak ko ay magpahinga lang muna sandali, pero hindi pa ako nakakaupo ay nandito na ang lalaking ito. Masyadong feeling close pa naman ito. Palaging pumaparito sa bahay mula ng malaman niya kung saan ako nakatira kahit hindi naman siya invited. Kaya nga palagi na lang siyang tinatanong sa akin ng mga mahaharot na babaeng nasa kabilang pinto. Mga kinikilig ito kay Warren na akala mo ay mga uod na naasinan kapag nakikita ito. Isasara ko na sana ang pinto ng apartment ko, pero mabilis niyang naipasok ang kalahating katawan niya bago malakas na itinulak ang pinto kaya wala na akong nagawa pa kundi hayaan siyang pumasok. “Anong ginagawa mo rito? Hindi ka welcome kaya umalis ka na,” pagtataboy ko sa kaniya at naupo sa nag-iisang sofang naroon. Maliit lang ang apartment ko dahil hindi ko naman afford ang malaki. Diretso na ang sala at kusina nito at dahil malaking tao siya parang mas sumikip lalo. Half-half kasi ang isang ito, half tao, half tikbalang. “Balita ko nabasted ka raw?” anito kaya napatingin ako sa kaniya. Napasimangot ako. Hindi naman talaga ako na-basted. Wala nga akong balak na ligawan ang babaeng iyon. Nakikipagkaibigan lang ako, siya itong dikit nang dikit sa akin, pero bigla ba naman akong sinampal at tinawag na manloloko kahit wala akong ginagawang masama. Nakita lang na kasama ko si Shirly Baby, nagselos na parang kami na at may karapatan siya. “Nabasted? Sa gwapo kong ito? Madaming babae riyan, uy!” maangas na sagot ko at sinigaan ko pa ang upo ko. Nagde-kwatro ako. “Pero hindi ka magkaka-girlfriend kung hindi ka naman marunong humalik.” Mas lalo akong napasimangot sa sinabi niya. Kailangan ba talaga iyon? Wala naman akong balak na mag-girlfriend. Babae naman lumalapit sa akin, nagiging friendly lang ako. Kasalanan ko bang lapitin ako? Hindi ko naman kasalanan na mas gwapo pa ako sa ibang lalaki. “Gusto mong turuan kita?” napatingin ako sa kaniya at malaki ang ngisi niya. “Gago ka ba?” Matagal na. Bakit ba nagtanong pa ako? “Gwapo lang pero hindi gago,” malaki naman ang ngising sagot nito. “Ako naman ang first kiss mo. Kahit turuan kita, walang mawawala sa iyo? You know, you can learn from the expert. Ano ayaw mo?” Tinitigan ko siya. Bakit pakiramdam ko may masamang balak ang gagong ito. Ninakaw kasi niya ang first kiss ko dati kaya siya ang first kiss ko. Hindi ko iyon ginusto. “Hindi tayo talo.” “Kaya nga ako ang magtuturo sa'yo. Kasi alam kong hindi mo ako pagnanasaan.” Talaga lang. Hindi ako magnanasa sa mga gaya niya. “Hindi kita type.” “Alam ko. Pangit kasi ng taste mo.” Mas pangit taste niya dahil lahat na lang pinapatulan niya. Kahit yata poste kapag pinaldahan, papatulan niya. Tiningnan ko siya ng masama at tumayo ako. Magkaharap kaming dalawa ngayon. Nagtama ang aming mga mata pero bigla siyang ngumisi sa akin. “Ayaw mo? I will teach you how to kiss, if you want to have a girlfriend, you must know how to kiss properly.” Nagdududang tumingin ako sa kaniya pakiramdam ko may agenda siya, pero hindi ko makuha kung ano. “Gwapo naman ako, hindi pa ba sapat iyon?” tanong ko sa kaniya. Humawak pa ako sa baba ko. “Gwapo ka nga pero mas malaki pa naman ang boobs mo sa mga babaeng lumalapit sa iyo,” saad nito at nginuso ang dibdib ko. Napatingin naman ako sa hinaharap ko. Sa dami nang magiging bless ako, sa dibdib pa talaga. Hindi ba pwedeng pera na lang dapat? Malalaking t-shirt na nga ang sinusuot ko para hindi mahalata ang dibdib ko pero obvious pa rin talaga. “Ipapatanggal ko ito.” Umasim ang mukha niya sa sinabi ko. “Ang daming babaeng nagpapalaki ng dibdib tapos ikaw ipapatanggal mo. Saka sayang iyan kong ipapatanggal mo.” “Hindi nga kasi ako babae,” kontra ko sa kaniya. Ayaw kong maging babae. Tapos lolokohin lang naman ako ng lalaki at iiyak ako. Ayaw kong magaya kay nanay. Kaya ayaw kong maging babae. Pogi din naman ako kapag naging lalaki ako sabi ng mga nagkaka-crush sa aking mga babae dati. “Okay sabi mo, eh,” napipilitang sagot nito sa akin. “Pero ayaw mo ba talagang magpaturo sa akin? Free tutorial.” Namulsa ito habang ako naman ay pinag-krus ko ang mga braso ko sa tapat ng dibdib ko. Gwapo talaga si Warren, kaso mas lamang ang inis na nararamdaman ko kapag nakikita ko siya. Masyado kasi itong mahangin at saka babaero siya. Kaibigan siya ng boss ko. Mayaman siya pero hindi ko alam kung bakit gustong-gusto niya na maging tropa kaming dalawa gayong isa lang naman akong janitor. Kung antas sa buhay pag-uusapan, parang langit siya tapos lupa ako. “Ano na? Ayaw mo? Baka magbago ang isip ko, sige ka,” pananakot pa nito sa akin. Bahagya siyang nag-bend para magpatay ang mukha naming dalawa. Matangkad ako pero mas matangkad siya sa akin. Parang magkasing taas sila ng Boss ko. “Sure ka ba?” Paano naman niya ako tuturuan? Sasabihin ba niyang mag-practice ako sa bote? “Oo naman,” nakangising saad nito. “Sure ka bang hindi ka naka-drugs ngayon?” Baka kasi nag-aadik na siya kaya ganito siya mag-isip. “Hindi ako gaya ng iniisip mo. But my kisses are like drugs, baka maadik ka.” Tumirik ang mata ko sa sinabi niya. Bagyo talaga ang dalang hangin nito madalas. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang likod ng beywang ko at hilahin ako papalapit sa kaniya. “First, you need to pull her waist para mas malapit siya sa iyo. Then hold her nape,” saad nito at hinawakan ang likod ng batok ko. “Pwede bang tagalugin mo? Dudugo ang ilong ko sa iyo,” nakasimangot na turan ko sa kaniya. “I know you can understand me.” Naiintindihan ko naman talaga siya. Nakapag college din naman ako, hanggang first year nga lang pero hindi naman ako bobo. “Paano ba?” tanong ko sa kaniya. Hindi ko naman talaga kailangan matutong humalik dahil wala naman akong balak na halikan ang ibang babae, sasakyan ko lang ang trip ng ugok na ito. Nanlaki ang mata ko nang bigla niyang hilahin ang beywang ko at kulang na lang ay mapasubsob ako sa dibdib niya. “Hindi ako magaling magpaliwanag kaya ide-demonstrate ko na lang,” saad nito sa akin at hinawakan ang baba ko para itaas ang mukha ko. Parang nahigit ko bigla ang hininga ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang t***k ng puso ko kaya bahagya kong inilayo sa kaniya ang dibdib ko dahil baka marinig niya ang pagtibok noon. Lihim din akong napalunok nang magtama ang mga mata naming dalawa pero pinilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil ayaw ko naman mapansin niya na kinakabahan ako bigla. Ilalapit na sana niya ang mukha niya sa akin pero hinarang ko ang kamay ko. “Teka! Hahalikan mo ako?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. “Ide-demo nga hindi ba?” “Pwede namang sa bote mo na lang i-demo,” kontra ko sa kaniya. Bakit kailangang sa nguso ko pa? Meron namang ganoon, sa bote ginagawa ang pagpapraktis kung paano humalik. “Bote? Tangina, walang buhay kapag ganoon. Para matuto ka dapat mafe-feel mo. Saka para alam mo ang gagawin mo kasi may first-hand experience ka na. Sabi nga nila, experience is the best teacher. Huwag ka nang maarte, libre na nga lang itong tutorial ko sa'yo. Wala ka bang tiwala sa akin?” “Nagtanong ka pa talaga?” Wala talaga akong tiwala sa kaniya. Hitsura pa lang niya parang hindi na gagawa ng tama. Gwapo lang siya pero lamang ang pagiging gago niya. “Chill ka lang. Akong bahala sa'yo. Sisiguraduhin kong matuto ka sa mga ituturo ko sa iyo,” malaki ang ngising saad nito. Mas lalo tuloy nakakapagduda ang ngisi niya. “Hindi ba natural na natutunan iyon?” “Hindi, mas mabuti kung tuturuan kita para iisipin ng magiging girlfriend mo na magaling ka nang humalik. Unli Free tutorial ibibigay ko sa iyo. Lifetime subscription ito, mula ngayon may free access kana sa mga matatamis kong labi.” Napangiwi ako sa sinabi niya. Mayabang pa ang paraan ng pagsasalita nito na parang nagmamalaki sa akin. Minsan nakakaasar talaga ang kayabangan ng hudyong ito. Masyadong bilib sa sarili. Huminga ako ng malalim. “Oo na, bilisan mo na. Ang dami mo pang commercial.” Daig pa niya ang scammer na inuuto ako ng todo. Turuan na niya ako kung tuturuan niya ng matapos na ito. Ipinikit ko na nang mariin ang mga mata ko at ngumuso ako ng matulis.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.1K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.6K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.7K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.1K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook