Story By iamAexyz
author-avatar

iamAexyz

ABOUTquote
Hello po, kung maligaw man po kayo sa account ko. Pa-follow po. Thank you! Mostly ay romcom po ang sinusulat ko with sexy scenes, light lang para sa lahat. You can add me on fâcebook - Aexyz Stories
bc
Claimed and Tempted
Updated at Dec 8, 2025, 20:36
Pinilit niyang angkinin ang lalaking pagmamay-ari na ng iba. Dahilan para mapilitan itong magpakasal sa kaniya, ngunit nagawa pa rin niyang matukso sa ibang lalaki—kay Atticus Alcaraz. ***** Malandi at mang-aagaw. Iyon ang tingin ng lahat kay Luna Amaris Pedrigal. Nagkagusto siya kay Theo Alcaraz, ang boyfriend ng pinsan niya at anak ng mayamang pamilya sa kanilang bayan. May nangyari sa kanila ni Theo at nabuntis siya, ngunit tinatanggi nito na ito ang nakabuntis sa kaniya. Sa huli, wala na rin itong nagawa kundi ang pakasalan siya. Pinilit ni Luna na maging mabuting asawa kay Theo sa kabila ng malamig nitong pagtratosa kaniya. Kahit na palaging pinamumukha nito sa kaniya na hindi siya nito mahal at ang batang nasa sinapupunan niya lamang ang dahilan kung bakit sila nagpakasal. Ngunit isang aksidente ang naganap at nawala ang nag-iisang batang nag-uugnay sa kanilang mag-asawa. Dahil sa nangyari ay mas lalong nawalan ng pakialam si Theo kay Luna. Hanggang sa muli bumalik ang dating girlfriend ni Theo na si Candice upang bawiin daw umano ang lalaki. Pero kasabay noon ay dumating sa buhay nila ang gwapo at makisig na si Atticus Alcaraz, ang illegitimate son ng Lolo ni Theo. Sa pagdating nina Candice at Atticus, mas lalong gugulo ang buhay nilang mag-asawa. Hindi inaasahan ni Luna na magkakaroon ng interes sa kanya ang lalaki. Kaya ba niyang iwasan ang tuksong dala ni Atticus upang hindi magkasala sa asawa? O magpapadala siya sa init ng mga haplos at yakap nito? Sino ang pipiliin ni Luna? Ang asawang pinilit niyang angkinin o ang lalaking pilit siyang inaangkin?
like
bc
Hot Nights with My Ex-Husband
Updated at Dec 8, 2025, 19:33
”I want you in my bed, katawan mo ang magiging kabayaran sa ginawa mong pagtatago sa akin ng totoo,” umiigting ang pangang saad ni Apollo sa dating asawa. “Hindi ako papayag!” mariing tutol naman ni Lia. Hindi siya papayag maging parausan ng dating asawa. -------- One year contract marriage. Just a contract, no strings attached. Iyon ang naging usapan nina Apollo at Natalia, kaya matapos ang isang taon ay maayos silang naghiwalay na dalawa kahit na alam nilang tututol ang kanilang mga magulang. Ngunit kung kailan pa sila nagdesisyon na mag-divorce ay saka pa may nangyari sa kanila. Pero kinabukasan ay tumakas si Natalia at iniwan ang ex-husband niya. Makalipas ang apat na taon ay muling nagbabalik si Natalia, pero hindi niya inaasahang ang dating asawa ang sasalubong sa kaniya ngunit nalaman niyang may bago na itong nobya.  Hindi malaman ni Natalia ngunit nagseselos siyang makita ang lalaki na may kasamang iba. Gusto niya itong ipagdamot pero wala siyang magawa dahil wala siyang karapatan.  Hanggang sa hindi inaasahang pangyayari, muli silang nagsalo sa isang mainit na gabi na naging mitsa upang malaman niya kung gaano sila kasabik sa isa’t isa. Pero maatim ba niyang makasira ng relasyon? Papayag ba siyang kabit ng dating asawa. Pero paano kapag nalaman nila ang mga lihim na pareho nilang tinatago sa isa't isa? Paano niya matatakasan ang nakaraan na pilit siyang hinahabol hanggang sa kasalukuyan? Paano niya muling maiiwasan ang dating asawa kung ito lang ang tanging makakatulong sa kaniya?
like
bc
His Dangerous Wife
Updated at Nov 21, 2025, 01:56
Isang gabing puno ng kapusukan ang namagitan kina Kisha at Renzo pero nangako silang kakalimutan na nila ang lahat at hindi na mauulit pa kundi magpapakasal sila kapag may nangyari ulit sa kanila. Pero ang akala ay isang beses na pagkakamali ay hindi inaasahang maulit dahilan para mapilitan si Kisha na pakasalan si Renzo ****** Isang sikat na artista si Renzo o mas kilala bilang Enzo Del Prado, ngunit hindi simple ang buhay na meron siya. Upang masiguro ang kaligtasan niya ay nag-hire ang kaniyang kakambal ng isang body guard para sa kaniya —si Kisha. Unang kita pa lang ni Renzo kay Kisha, attracted na siya sa babae, pero hindi niya iyon masabi lalo na at mas maagas pa ito sa kaniya pero ng isang gabing may mangyari sa kanila. Doon siya nagsimulang kulitin ang babae para pakasalan siya. Si Kisha ang tipo ng babaeng, palaban at walang inuurungan. Walang makakapilit na ipagawa sa kaniya ang bagay na hindi niya gusto pero dahil natalo siya sa deal nila ni Renzo, she took the risk of marrying him— a superstar. Kasal na hindi seryosohan noong una pero hindi nila napigilang mahulog sa isa’t kaya naging totohanan na ang lahat. Pero kung akala nila ay happy ending na sila, saka pa lang nagsisimula ang tunay na gulo sa buhay nila. Paano kung mabunyag ang pinakatatagong lihim ni Renzo? Matatanggap pa kaya siya ng kaniyang asawa? O sa pagkakataong ito, siya naman ba ang poprotekta sa asawa niya? Hanggang saan nga ba ang kaya niyang isakripisyo para sa babaeng pinakamamahàl?
like
bc
Marrying My Arrogant Ex-Boyfriend
Updated at Oct 28, 2025, 19:36
One night stand lang dapat pero nauwi sa shotgun wedding. ------ Maraming utang at nawalan ng trabaho ang dahilan kaya pumayag si Nikita na tanggapin ang inaalok sa kaniya ng isang matandang babae. Babayaran siya nito ng isang milyon, basta magawa niyang paghiwalayin ang apo nito at ang babaeng gusto niyang pakasalan. Alam niyang mali ang sumira ng relasyon ng iba pero kailangan niya ng pera. Ngunit hindi niya inaasahan na ang apo ng matanda ay ang lalaking una niyang minahal pero naglahong parang bula, siyam na taon na ang nakakaraan. Nagawa niyang sirain ang relasyon ni Xerxes at ng fiancée nito pero hindi niya inaasahan may mangyayari sa kanila ng lalaki dahilan para sapilitan silang ipakasal ng Lola nito. Anong gagawin niya kung biglaan niyang naging asawa ang lalaking ayaw na niyang maging parte pa ng buhay niya. Ngunit paano kung ang usapang kasal lang sa papel ay maging seryosohan na? Pero kung kailan nagiging maayos na ang pagsasama nilang dalawa ay saka niya unti-unti matutuklasan ang lihim ng nakaraan na maaring dumurog sa puso niya? Handa ba siyang manatili sa tabi ng asawa niya sa kabila ng lahat? O sa pagkakataong ito, siya naman ang maglalahong parang bula sa buhay nito?
like
bc
The Real About My Husband
Updated at Oct 8, 2025, 03:15
Ops! Paano kapag nalaman ni Karen na mafia boss pala ang pinakasalan niya? ------ Pinilit ni Karen na magpakasal sa kaniya ang crush niyang artista upang takasan ang kasal na nais ng ama niya para sa kaniya. Ngunit paano kung may mayroong split personality pala ang lalaking pinakasalan niya, kung saan minsan ito ay nagiging pusong babae ito at minsan naman ay para itong isang Adonis na bumaba sa lupa para paligayahin siya. Iisang katawan, dalawang katauhan. Ganoon ang pagkakakilala niya sa asawa niya. Pero paano kapag nalaman niyang maraming lihim ang asawa niya ? Hindi lamang ito isang sikat na artista kundi isa itong mapanganib na tao. Mananatili pa ba siya sa tabi nito kung palagi siyang makikipagsayaw sa mga bala at maaring mamganib ang buhay niya sa piling nito?
like
bc
Touch Me, Engineer
Updated at Oct 6, 2025, 06:22
“I want you to touch me, Engineer.” She's not begging. It's an order. Xantina is willing to play a dangerous game with Yohan Escobar. They had a carnal affair, just pure pleasure, no pressure. Ang unang ma-in love ang siyang talo. Ngunit pareho silang sanay na manalo at makuha ang kanilang gusto, kaya sa larong kanilang sinimulan, sino ang uuwing luhaan? They are ready to ruin each other. It began as an ego-boosting game but ended with hearts being shattered.
like
bc
My Sexy Tomboy
Updated at Sep 3, 2025, 06:37
Si Max ang titibo-tibo pero ubod ng sexy na crush ng babaerong si Warren Smith. Ngunit paano niya mapapaibig ang babae kung babae rin ang gusto nito? Lalo na at abala si Max para buhayin ang kaniyang pamilya, habang si Warren naman ay sanay na lahat ng bagay ay nakukuha gamit ang pera. Magawa kaya ni Warren mapalambot ang puso at pagkatao ng tanging babaeng nakapukaw ng kaniyang atensyon? Pero paano kapag nalaman nito ang kaniyang nakaraan? Baka tuluyan siya nitong layuan at hindi na niya ito mapaamo pa ng tuluyan.
like
bc
THE TWIN MISTAKE WITH MR. CEO
Updated at Sep 2, 2025, 02:47
Paano kung mabuntis ka ng boyfriend ng bestfriend mo? ******* Nakagawa si Rebecca ng pinakamalaking pagkakamali sa kanyang buhay nang hindi sinasadyang may mangyari sa kanila ni Dwayne ang nobyo ng kanyang matalik na kaibigan. Higit sa lahat, nabuntis siya.Tumakas at nagtatago siya. Ngunit makalipas ang anim na taon ay muli siyang nagising sa tabi ni Dwayne at sa pagkakataong ito ay may singsing na sa kanyang daliri.Makakatakas kaya siyang muli at makakapagtago sa ikalawang pagkakataon?
like
bc
Devirginizing My Hot Boss
Updated at Jun 13, 2025, 16:20
Paano kung may mangyari sa inyo ng boss mo at malaman mong ikaw pala ang nakakuha ng virginity niya? ******** Limang taong naging sekretarya si Georgette ng isang gwapo at happy-go-lucky niyang boss ngunit magbabago ang lahat ng malasing sila at may nangyari sa kanila.Handa niyang kalimutan ang nangyari pero ang boss niya mismo ang nag-demand na pakasalan niya ito dahil siya raw ang naka-virgin rito. Giniit nitong dapat daw niya itong panagutan dahil hindi raw ito kaladkaring lalaki. Tumangi siya sa kasal na inaalok nito ngunit nang malaman niya kung sino ang ipinagkakasundo rito ay mabilis siyang pumayag. Gagamitin niya ang lalaki para makaganti ngunit paano kung may ibang pakay din ito sa kaniya?
like
bc
The Seven-Year Itch (COMPLETED)
Updated at Feb 4, 2025, 22:28
Totoo nga bang sumpa ang ika-pitong taon sa isang relasyon? Paano kung ang inaakala niyang perpektong relasyon ay hindi pala totoo? Paano kung ang lalaking akala niya ay mamahalin siya hanggang dulo ay nagawang magloko? Mapapatawad pa kaya niya ito? Is there a second chance for them or it will be over?
like
bc
Wife For A Year
Updated at Jan 1, 2025, 08:37
He needs a wife for a year, so I volunteered. “Kahit pansamantala lang, handa akong magpakatanga, maranasan ko lang na maging akin siya.” — Celestina Ngunit paano kung sa loob ng isang taon, mawasak siya ng husto? Paano siya babangong muli sa sakit na mararanasan niya? Maari bang umibig sa kaniya ang asawa kahit alam niyang may mahal na itong iba at siya ay pansamantalang asawa lamang?
like
bc
Enemies With Benefits (SPG)
Updated at Nov 1, 2024, 02:21
Paano kung alukin kang maging fvck buddy ng lalaking kinaiinisan mo? ******** Mula nang mamatay ang ina ni Victoria ay inampon siya nang mayamang amo nito na si Don Sicario. Lumaki siyang parang prinsesa, iyon nga lang may asungot na prinsipe siyang kasama palagi. Sixto Augustus Buenaventura, ang tunay na apo ni Don Sicario, gwapo, mayaman, matalino pero mainitin ang ulo. Palaging ipinamumukha sa kaniya ni Six na kailan man ay hindi siya magiging totoong apo ng Don at hindi sila magkaano-ano. Alam naman niya iyon at tanggap niya pero naging ugali na nang lalaki ang i-bully siya hanggang sa lumaki sila. Akala niya pagiging aso't pusa na lang ang magiging relasyon nilang dalawa pero sa mismong kaarawan ni Don Sicario ay may nangyari sa kanilang dalawa. Nagawa niyang ibigay ang pagkababae niya sa lalaking ayaw sa kaniya. Inakala niyang hindi na iyong mauulit pang muli pero nagulat siya nang alukin siya ni Six ng relasyong aabot lang hanggang kama. Relasyong katawan lang ang nagkakaintindihan, ngunit paano kung mahulog siya sa lalaki? Paano niya maisasalba ang puso upang hindi mawasak sa huli, lalo na kung unti-unti na niyang nabubunyag ang lihim ng pamilyang umampon sa kaniya.
like
bc
Ramona's Obsession
Updated at Aug 2, 2024, 22:03
Paano kung magkagusto ka sa bestfriend ng ate mo na hindi raw pumapatol sa bata? ********* ESCALANTE SISTERS SERIES 1: Ramona's Obsession Ginawa ni Ramona ang lahat para makuha ang atensyon ni Nero pero sa daming beses niyang pagtatangka kahit isang beses hindi siya nagtagumpay. Pero bakit tuwing nababaling ang atensyon niya sa iba ay tila nagagalit ito? Hanggang saan aabot ang kanyang obsesyon para sa lalaki? Kaya ba niyang tanggapin ang paulit-ulit nitong pagtanggi sa nararamdaman niya? Paano kung kailan sumuko na siya saka naman ito naghahabol at ayaw siyang pakawalan? Handa ba siyang mabaliw muli para dito o talagang tinapos na niya ang kahibangan niya para lalaki?
like
bc
Drunk on Margarita
Updated at May 9, 2024, 15:37
Paano kung ang bagong boss mo ang ama ng batang itinatago mo sa lahat? ******************** Walong taon na pilit kinakalimutan ni Margarita ang nangyari sa kanila ni Attorney Cohen Delgado pero sa muli nilang pagkikita ay muling pilit pinapaalala sa kaniya ng lalaki ang isang mainit na gabing kanilang pinagsaluhan. Pinilit niyang umiwas sa lalaki kahit na palagi siyang kinukulit nito. Hanggang kailan nga ba niya kayang iwasan ang lalaki? Kaya nga ba niyang umiwas sa tuksong dala nito? Ano nga ba ang pinaka-iingatan niyang lihim na ayaw niyang mabunyag nito?
like
bc
Desiring the Nanny
Updated at Feb 20, 2024, 14:20
Paano kung bigla kang maging yaya ng anak ng crush mo? ******** Stable job lang naman ang gusto ni Katarina. Kailangan niyang magkaroon ng stable job para magamit ang tinapos niya at maging proud sa kaniya ang mga magulang niya pero paano kung alukin siyang maging yaya ng batang minsan ay tinulungan niya? Noong una ay pilit siyang tumanggi pero paano kung ang ama na ng bata na si Jude Alejandro and mag-alok sa kaniya ng trabaho, matatanggihan pa ba niya, lalo na at lihim siyang may crush sa lalaki? Bakit nga ba siya ang gusto ng anak nitong mag-alaga dito? Ano nga ba ang tunay na dahilan kung bakit siya inalok ng lalaki ng trabaho?
like