Chapter 55

2312 Words

MAX Maaga akong gumising. Tulog pa si Miss G kaya nauna akong bumaba. Nagluto na ako ng almusal para paggising niya ay may kakainin na siya. Wala namang pasok ngayon dahil Linggo kaya hindi ko siya ihahatid sa opisina. Matapos kong magluto ay hinanda ko na ang mesa at hinugasan ko ang mga ginamit ko para mamaya ay ang pinagkainan na lamang ni Miss G ang huhugasan ko. Katatapos ko lang sa gawain ko nang may dumating. Kilala ko na siya dahil isang beses ko na siyang nakasabay na pumarito kaya pinapasok ko na si Ate Melba. “Si George, hindi pa ba siya bumaba?” tanong ni Ate Melba sa akin habang tinutulungan ko siya sa mga basurang ilalabas niya. Kinuha ko ang nasa kusina. Wala naman akong gagawin kaya tutulong na lang ako sa kaniya. “Opo, parang masama po yata ang pakiramdam,” sagot ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD