MAX Nang makarating kami ni Kevin sa bahay ay kumain na kami ng hapunan. Wala pa si Tatay pero ayon kay Hazel ay nasa inuman daw sa kumapre nito. Umuwi na raw kanina habang sinusundo ko si Kevin pero umalis din agad. Tahimik lang kaming kumakain, hindi ako nagsasalita dahil wala naman akong sasabihin. Maging si Nanay ay tahimik din. Ang ulam namin ay ginisang upo na may sardinas. “Ate, tinatanong ni Kuya Warren kung tomboy ka raw ba talaga,” biglang saad ni Kevin nang patapos na kaming kumain. Nalukot ang mukha ko sa tanong ni Kevin. Bakit pati kapatid ko tinatanong niya? “Alam mo, huwag kang makikipagkaibigan sa lalaking iyon. Dayo lang iyon dito. Paano pala kung kidnapper iyon at dukutin ka tapos ipagbili ang lamang loob mo? Sige ka,” pananakot ko sa kapatid ko. Hindi dapat siya n

