“Sheila!" tawag ni Jonathan. Nauna na pala sa paglalakad si Sheila at ang anak nito na nagyayaya sa banyo. Nang matapos kasi sila sa masayang picnic at makapag empake siya ang kanilang mga gamit. Nagkayayaan na sila na umuwi. Gabi na rin kasi. Masyado na malalim ang gabi kaya kinakailangan naman nila ang umuwi upang makapag pahinga para sa kinabukasan na pagpasok nila sa opisina. Uuwi din si Jonathan sa bahay nito na inuupahan apartment. Matapos sila na maihatid nito sa kanilang bahay. May usapan din sila na magkikita kinabukasan at susunduin siya sa bahay nila. Napalingon siya kay Jonathan. “Sorry! Need kasi niya mag pee." ani ni Sheila nang lingunin si Jonathan na siyang may dala ng mga gamit nila na ginamit sa picnic. Si Jonathan na ang pinag buhat ni Sheila muna sa mga kaga

