Habang nasa labas. Sumasakit ulo ni Jonathan sa aso na iniwan sa kanya ng mag-ina. Naiinis na siya dahil sa sobrang ingay nito. Ayaw nga sana niya pumayag na iwan ito sa kanya ni Sheila. Subalit hindi niya alam ang idadahilan niya sa kasintahan. Kung sakali na sasabihin niya na wag na iwanan sa kanya. Kaya lang naisip niya na baka magkaroon pa ito nang chance na makapag-isip dahil lang sa hindi niya pagpayag. Kaya pinabayaan na lang niya at hinayaan na maiwan sa kanya ang aso. Pagpayag niya naman at nagawa nang iwan siya at tuluyan na umalis si Sheila sa kanyang harapan para sundan ang anak na pinauna nang pumasok sa restroom. Tinahulan nang tinahulan ng aso si Jonathan. Inis na siya. Kangina pa siya naiinis. Kangina pa kasi ito tumatahol at nag-iingay. Hindi tuloy siya magkandaugaga

