“Gabriel!" “Mom" nang napalingon ang bata. Sa likod ng bata. Nandoon na pala si Sheila ng hindi nito napapansin. Mabilis naman na naglalakad papunta sa anak niya si Sheila. Nagtataka kasi ito nang magpaalam sa kanya subalit ilang minuto na ang nakalipas ay hindi na ito nagbalik pa sa kung saan sila mga nakapwesto. Nagyaya ang anak niya na mamasyal upang maipasyal nila ang aso ni Mimi. Mula kasi ng maaksidente si Mimi at ma-coma. Lagi nalang panay ang tahol ni Jordan dahil sa paghahanap kay Mimi. Lagi nalang din ito nakaabang sa may pintuan sa tuwing oras ng kadalasan na uwi ni Mimi sa kanilang tahanan. Ayaw man sana ni Sheila ngunit hindi niya mahindian ang anak. Dahil sa kagustuhan na ipasyal ang asong si Jordan. Si Jonathan ang kinukulit nito na ayain upang mailabas nila si Jordan s

