Laine
UMALIS ako ng bahay na nagtatalo kami ni Nhel.Hindi niya kasi naintindihan ang punto ko.Iniisip pa niya na mas mahalaga si Anton kaysa sa kanya.Itinanggi ko.Pero hindi ko rin naman maipaliwanag sa kanya kung bakit dahil hindi pa tamang panahon para malaman niya ang lahat.
Kapag nalaman na kasi niya ang totoo sa amin ni Anton, siguradong magpupursige na siyang gumawa ng paraan para mabawi ako dito. Hindi dapat yun mangyari, magiging magulo lalo.
Hindi yon magiging madali sa part namin ni Anton, marami kaming mga bagay at mga taong kinokonsidera. Si Aliyah, ang parents niya, at yung divorce namin. Kailangan yun muna ang unahin namin bago namin harapin ang relasyon namin sa iba. Siya kay Lianna at ako kay Nhel.
Sa ngayon hahayaan ko na lang muna na isipin ni Nhel ang gusto niyang isipin sa amin ni Anton. Malalaman din naman niya kung ano ang totoo kapag maayos na ang lahat.Mahal na mahal ko siya at kung nagdududa siya don dahil kay Anton, hahayaan ko na lang muna na ganon.
Kahit naman ipagpilitan ko na siya talaga ang mahal ko hindi rin naman siya maniniwala dahil hanggat nagsasama kami ni Anton, mararamdaman at makikita niya yung pagpapahalaga ko rito. Hindi niya magugustuhan yon lalo pa't nagseselos siya kay Anton. At palagi lang kaming mag-aaway dahil dito. Mas maganda siguro kung hindi muna kami magkakasama at ayusin muna ang dapat ayusin.
" Hey, kanina ka pa ba dyan?" nagulat ako na nandito na pala si Anton sa harap ko.Pag-alis ko sa bahay namin ni Nhel, tinawagan ko kaagad siya pagsakay ko ng taxi at sinabihang magkita na lang sa may SM North para sabay na kami umuwi ng hindi na kami tanungin ng parents niya.
" Medyo, mga 15 minutes lang naman." sagot ko habang pinagbubuksan niya ako ng pinto para sumakay na sa passenger's seat.
Nang masigurong ayos na ang upo ko, he revved the engine to life and drove fast.
" Are you okay baby?" pansin niya dahil hindi ako kumikibo. Hindi kasi yun normal kapag magkasama kami.
I drew a deep breath. Hindi ko siya matignan ng diretso sa mata dahil guilty na naman ako. May nagawa na naman kasi kami ni Nhel. Hindi lang isang beses kundi marami, hindi ko na binilang.Better not to tell him, I decide.
" Yeah, I'm good." pinilit kong tumingin sa kanya para hindi siya makahalata. "Medyo nagtalo lang kami bago ako umalis."
" Ano na naman ang pinagtalunan ninyo? Akala ko mag-uusap kayo para kahit paano magkasundo kayo habang inaayos naman natin yung problema natin."
" Ton hindi niya naiintindihan yung pagpapahalaga ko sayo. Feeling niya mas importante ka sa akin kaysa sa kanya. He is always jealous of you. Hindi ko naman pwedeng ipaliwanag sa kanya dahil hindi pa niya pwedeng malaman ngayon ang totoo tungkol sa ating dalawa. Kaya hayun nagagalit siya at iniisip niya na mas mahalaga ka sa akin kaysa sa kanya." paliwanag ko sa kanya sabay sandal ko ng katawan ko sa upuan ng kotse na tila pagod na pagod.
Ikaw ba naman ang pagurin at puyatin. Malamang!
Anton sighed..." Siguro baby hayaan mo na muna si Nhel, he will know the truth soon. Hindi mo rin naman siya makukumbinse na siya talaga ang mahal mo hanggat magkasama tayo."
" Iyan nga rin ang sinasabi ko sa sarili ko hubby. Siguro mas magandang dumistansya muna kami sa isat-isa hanggat hindi pa tayo naaayos. Lagi lang kaming magtatalo at ikaw lagi ang dahilan. Ayoko naman yung ganon, unfair naman sayo yun."
" Kung yun ang magandang gawin sa ngayon, okay na rin ako dun. I'll support you in any way I can." inabot niya ang palad ko at ginagap. Ngumiti siya sa akin na parang sinasabi na nandito lang siya sa tabi ko.
" Thanks hubby. Kayo naman ni Lianna, kumusta?"
" Hayun, tuwang-tuwa dun sa bahay na binigay ko sa kanya, nagandahan. Hindi na nga makapaghintay sa day-off niya dahil gusto na raw niyang bumili kami ng gamit at ayusan yung bahay."
" Oh I'm happy to hear that.Sabi sayo magugustuhan niya yun tapos nagrereklamo ka pa na mahal yung bahay."
" Hindi naman. Sa totoo lang nung pinili mo yun at sinabi mo na yun ang magugustuhan ni Lianna, nagustuhan ko naman na agad pagkakita pa lang."
" Hayun at inaasar mo lang pala ako, pinalalabas mo lang na napilitan kang bilhin kasi sinabi ko."
" Syempre ayoko namang isipin mo na mas mahal yung bahay niya kaysa dun sa binili kong bahay natin sa Switzerland. Ayokong magselos ka noh!"
" Hubby, wala naman sa akin yon. Alam naman natin pareho kung ano lang tayo sa isat-isa."
" Baby you're still my wife. You and Aliyah are my family. Ano man ang totoo sa pagitan nating dalawa hindi pa rin maaalis ang katotohanan na tayong tatlo ay pamilya, dahil sa puso ko nandoon kayong mag-ina.You and Aliyah is my home.Home is when I'm with the two of you." madamdaming wika niya sabay haplos sa pisngi ko.
" Magbabago yun Ton kapag divorce na tayo at kayo na ni Lianna ang bubuo ng pamilya." medyo malungkot kong saad.Inaalala ko kasi si Aliyah kapag hindi na namin kasama si Anton.
" Didn't I promise you na hindi ko kayo iiwan ni Aliyah? Unless naayos mo na yung sa inyo ni Nhel at ikaw ang magdedesisyon."
" That's remains to be seen hubby. But whatever happens, you can't change the fact that you are a part of us. And we have this special bond that will tie us forever. Our friendship."
" Yeah, right. You and I are bestfriends as long as we live.And our friendship is understanding, not an agreement."
" Thank you Ton for understanding me and for being there for me and Aliyah." turan ko at yumakap sa kanya ng mahigpit. Ito ang hindi naiintindihan ni Nhel kung bakit ayaw kong saktan si Anton.He is really a good man with unconditional love.Lianna is indeed lucky for having him.
" I love you and Aliyah, at yung panahon na kasama ko kayong dalawa ang isa sa pinaka masayang moment sa buhay ko. Always remember that." and he kissed me on the side of my head.
NANG gabing yon hindi ako dalawin ng antok.Naiisip ko si Nhel.Then a message pop-up from my cellphone.
From: Nhel Mercado
Sorry to disturb you. I just wanna greet you a Happy 13'th year anniversary. It's hard for me celebrating it all alone but don't worry sanay na ako.Sanay na sanay.
OMG! Bakit ko nga ba nakalimutan yon? Kaya naman pala ganoon na lang ang inis niya kanina dahil imbes na maalala ko, nagtalo pa kami dahil kay Anton.
I'm sorry Nhel, I didn't mean to forget our anniversary.Babawi ako, next time.I promise.
*****
Nhel
ILANG oras na ang lumipas simula nung mag-text ako kay Laine pero hindi talaga siya nag-reply.Kahit simpleng sorry lang dahil nakalimutan niya ang anniversary namin ay wala akong natanggap.
I heaved a deep sigh..
Sabagay ganoon naman si Laine kahit nung mga bata pa kami.Ilang buwan niya akong iniwasan dahil kay Lovie.Ganun din ang ginawa niya nung si Peachy naman ang na-involved at itong huli nga,yung kay Marga.Dito ako nahirapan ng husto.Hindi ko alam kung babalikan pa niya ako gaya noong mga nakaraang paghihiwalay namin.Bumabalik siya sa akin.
Ganyan ang ugali ni Laine kapag nasasaktan.Umiiwas at umaalis.At ako naman dahil mahal ko siya,hinihintay ko talaga siya na bumalik.
This time, hindi ko alam kung mananangan pa ba ako sa pangako niya na babalik siya.Sa pagtatalo namin kanina dahil kay Anton,parang gumuguho ang pag-asa ko na babalik pa siya. Nakikita ko kasi kung gaano niya pinapahalagahan si Anton at nasasaktan ako dun.Isa pa may anak sila, parang mas lalo akong pinanghihinaan ng loob.
Naisip ko na naman yung naging pagtatalo namin kanina.Bakit ba ayaw niyang ipaliwanag sa akin yung hindi ko raw naiintindihan? Palagi niyang sinasabi na Anton is a good man and doesn't deserve to be cheated.
God! Am I not good enough for her?
How can she said that mokong is a good man? He is cheating behind her back for Pete's sake.At kapag napatunayan ko yon, I will stranggle his neck! At ako, mas mahaba yung pinagsamahan namin kumpara kay Anton pero bakit ganoon na lang ang pagbibigay niya ng importansya dito. Feeling ko si Anton na ang priority niya, hindi na ako.
Nakakainis! Gusto kong magwala dahil sa nararamdaman ko. Ang sakit, mas masakit pa kaysa nung umalis siya at iniwan ako.
Sa ngayon hahayaan ko na muna si Laine.Didistansya ako kung yun ang gusto niya.At isa pa nasasaktan lang ako sa nakikita kong pagpapahalaga niya sa mokong na yun.Maghihintay ako kagaya ng ginagawa ko noon at aasa ako na ang pagmamahalan namin ang magbabalik sa kanya sa akin.
Kung saan sya nararapat.