CHAPTER 16- Unbreak My Heart

1594 Words
Nhel MAAGA akong nagising para mag-work out sa gym na malapit sa bahay namin.Gusto ko medyo maayos ang katawan ko mamaya sa fashion show namin. Hindi ko alam mamaya kung paano aakto sa harap ni Laine. Kaming dalawa ang halos magkapareha sa pagrampa. Ayokong mailang baka kasi makaapekto pa sa performance ko mamaya.Sana lang hindi ako mabwisit at magselos na naman kapag nakita ko silang magkasama nung mokong na yon. Pag-uwi ko ng bahay ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Marga. Kinukumusta si Mark.Sinabi rin niya na baka umuwi na sila sa susunod na buwan.Medyo napaaga dahil nagkaroon daw ng problema sa mga trabahador nila dito sa Pilipinas. Aayusin muna raw ang problemang yun at pagkatapos babalik din uli ng Singapore. Medyo nadismaya naman ako sa balitang uuwi na siya.Hindi ko pa kasi nae-enjoy masyado ang buhay na malaya tapos babalik na kaagad siya. Huh talaga naman.What a life! 6 Pm nung umalis ako sa bahay papunta sa venue ng fashion show.Pagdating ko dun, hindi ko maiwasang hindi humanga sa ayos ng runway. Malawak ang lugar na punong -puno ng naggagandahang palamuti at ilaw ang runway.Mas marami ang upuan para sa mga panauhin. Masasabi ko na pinaghandaang mabuti dahil ang ibang panauhin ay galing pa sa branch ng Montreal sa ibat-ibang bansa tulad ng Switzerland na pinapatakbo ni Anton at Laine. Nang makumpleto kami ay pinapunta na agad kami sa dressing room para ayusan.Nakita kong magkasama sina Anton at Laine pero hindi ko na lang pinansin.Aminado ako na umuusbong na naman ang selos sa akin pagkakita sa kanila pero binalewala ko muna, hindi ngayon ang panahon para dun. Nung finally magsimula na ang program. Narinig na namin na nag speech muna ang bigboss tapos in-acknowledge ang mga guests.Nagsalita ang emcee at pinakilala ang mga bagong produktong irarampa. Undergarments at swimwear. The Montreal Bare Essentials. Pinatay ang ilang ilaw at yung nasa runway lang ang tanging maliwanag. Tumugtog na ang malamyos na musika mula sa sound system. Hudyat na para lumabas na kami sa stage. Isa-isa kaming rumampa suot ang mga bagong products. Suot naming mga lalaki ang ibat-ibang estilo ng sando at boxer shorts at iba pang kasuotang panloob. Ang mga babae naman ay iba't ibang disenyo ng sleepwear at brassieres. Pasimple kong pinagmasdan si Laine na siyang pinaka-huli sa hanay ng mga babaeng nakasuot ng sleepwear. Pansin ko na maraming mga mata ang nakatutok sa kanya habang rumarampa siya. Mga tingin na puno ng paghanga. Proud ako sa kanya at the same time, umaandar na naman ang pagiging territorial ko. Gusto ko ako lang ang tumitingin sa kanya. Hay Nhel, umayos ka nga! Matapos maipakita ang ibat-ibang estilo at disenyo ng mga sleepwear, lumabas na muli kami para sa susunod na set. Ang pagrampa ng pinaka latest style ng swim wear. Huli kaming rarampa ni Laine pero siya ang pinaka finale suot ang swim wear na sumikat sa Switzerland ilang taon na rin ang nakalipas. Rumampa na ang mga kasamahan namin.Swimming trunks na ibat-ibang disenyo at kulay ang sa mga lalaki. Ang mga babae naman ay naka-swim suit. Mayroong one piece at two piece. Nung lumabas ako na tanging swimming briefs lang ang suot,naghiyawan na ang mga tao.Grabe gusto kong matunaw sa hiya. Sa loob ng halos walong taon ko sa pagiging modelo,ngayon lang ako lumabas ng ganito lang ang suot.Pero dahil mahal ko na ang trabaho kong ito,maayos ko namang nagawa at kahit paano naman proud ako sa katawan ko dahil alaga rin ito sa workout. Nung palabas na ako ay si Laine naman ang susunod,magtatagpo kami sa gitna tapos mag-exit na ako at siya naman ang rarampa. Wet look. May pakpak pa siya na kulay puti na parang anghel bilang adorno sa suot niya. Ang seksing anghel. Sobrang humanga ako ng makita ko siya sa two piece swimsuit na suot niya. Parang hindi siya nagbuntis at nanganak. Lalo pa yatang naging sexy.Kahit madalas ko siya na makita na walang saplot pag may session kami,iba pa rin pala kapag rumarampa siya. Iba ang dating at sobrang hot niya.Ang problema, gusto kong tusukin isa-isa ang mga mata na halos lumuwa na sa paghanga sa kanya. Nang matapos si Laine ay sumunod naman si Anton at Pia sa runway para sa panibagong set ng produkto. Nakita ko pa ang pagkindat ng mokong kay Laine ng magsalubong sila. Sarap tusukin ng mata! Yung finale ay kaming dalawa na. Awkward. Hindi kami nagpapansinan. Iniiwasan ko na lang tumingin sa kanya lalo na sa sexy niyang katawan. Mahirap na baka biglang mag-react si noynoy, nakakahiya naman. Nang patapos na kami ni Laine sa pagrampa, pumasok na ang lahat ng modelo suot ang ibat-ibang bagong produkto.Malakas ang palakpakan ng mga tao hudyat na tagumpay ang fashion show namin.Nag- bow na kami sa audience kasama ang mga designers at si bigboss na nagpasalamat sa lahat ng dumalo. Successful ang fashion show at gaya ng inaasahan,dagsa ang mga umorder ng mga produkto. Nung pauwi na kami ay binati kaming lahat ng bigboss.Nagpasalamat siya sa aming dalawa ni Laine dahil dumagsa ang mga orders nung mga produktong inirampa naming dalawa. Pumunta na ako sa dressing room para magbihis at kunin ang mga gamit ko.Nagmamadali sa pagbibihis ang mga kasama ko ang inabutan ko nang makapasok ako. Nag-anyaya kasi si bigboss na mag-celebrate para sa tagumpay ng fashion show sa isang mamahaling restaurant na pag-aari din ng isa nitong anak. Napadako ang tingin ko sa may dulong bahagi ng dressing room. Sana pala hindi ko na tinignan dahil kumirot lang ang puso ko sa tanawing nakita ko. Si Laine na nakag-palit na ng damit ay masuyong pinupunasan ang likod ni Anton na basa ng pawis. Sa isang kamay ay hawak naman niya ang damit na pamalit nito. Nagpupuyos ako sa inis sa eksenang nakita ko. Ako dapat yun eh, dati ako yun at ako lang dapat. Sa inis ko, nagmamadali akong nagbihis at sininop ang mga gamit ko. Padabog na binuksan ko ang pinto ng dressing room para lumabas na at pabalibag ko ring isinara na ikinataka ng mga kasama ko na papasok naman sa loob. " Pards,anyare sayo? Init yata ng ulo mo?" tanong ni Clark na isa sa mga papasok ng dressing room. Hindi ko na lang siya pinansin at nagtuloy-tuloy na lang ako sa paglakad papalabas patungo sa parking lot. Nagdadalawang isip ako kung sasama pa ba ako sa paanyaya ng matandang Montreal. Kapag sumama ako malamang mabwisit lang ako kapag nakita ko na naman na magkasama si Anton at Laine. Ngunit kapag hindi naman ako sumama, tiyak na magagalit naman sa akin ang bigboss, na ayoko naman din na mangyari dahil sa tagal ko ng naninilbihan sa kanya bilang modelo, maganda ang ipinakita nito sa akin at malaki ang naitulong ng malaking talent fee na nakukuha ko sa kanila sa pagbabayad ko ng bahay namin ni Laine. I sighed..bahala na nga! Hindi ko na lang sila titignan na alam kong imposible naman mangyari. Pasakay na ako ng sasakyan ko ng marinig ko ang pamilyar na boses na tumatawag sa akin. " Nielsen!" ayaw ko sanang lumingon pero hinawakan niya ako sa braso kaya doon natuon ang pansin ko. " What is it Alyanna? Spill it out. I'm in a hurry!" sabi ko kunwari,gusto kong maramdaman niya na nagtatampo at naiinis ako sa kanya. " I just wanna say, I'm sorry...I- uhm.." " Sorry for what? putol ko sa sinasabi niya." Sorry for choosing Anton over me? Don't worry Laine, I understand, I clearly understand.Naiintindihan ko rin na siya na ang mahal mo ngayon dahil may anak kayo.Huwag mo akong alalahanin, sanay naman ako na iniiwan mo at maghintay lagi sa pagbabalik mo." " Nhel naman.Hindi ganon, hindi mo kasi naiintindihan." " Paano ko nga maiintindihan ang mga bagay na wala akong alam.Huwag kang mag-alala hindi na kita gagambalain pa at pipilitin ko na wag ng umasa na magbabalik ka pa sa akin.Actually, sinisimulan ko na nga eh and I'm getting there.Soon." hindi ako seryoso sa huling tinuran ko dahil hindi ko naman yun talaga kaya.Sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar.Hindi ko na inintindi yung pagtawag niya sa akin.Hindi na lang ako sasama sa celebration namin. Tama na.Gusto ko na munang ipahinga ang puso ko sa mga sakit na nararanasan ko sa sobrang pagmamahal ko kay Laine. Masakit ang mabalewala.Masakit. Nasasaktan ako sa ginagawa at ipinaparamdam ni Laine sa akin ngayon.Oo nga mahal niya ako, at nararamdaman ko naman yun pero nararamdaman ko rin na parang may pag-aalinlangan siya. Hindi niya maibigay sa akin ng buo katulad noon. I drew a deep breath.Marahil marami na nga ang nagbago sa loob ng limang taon na magkahiwalay kami. At aaminin ko, natatakot ako. Natatakot ako na baka mawala na nga siya sa akin ng tuluyan. At hindi na siya lumaban para sa aming dalawa. At hindi ko rin alam kung kaya ko ba yung sinabi ko na hindi na ako aasa pa sa pagbabalik niya. Hindi ko alam at hindi ko yata kaya. Laine mahal na mahal kita.Hanggang ngayon ikaw lang at walang iba.Sayo ko lang ibinigay ang puso ko maging ang katawan ko. Walang iba kahit kay Marga pa. Yes never in five years na nakuha ako ni Marga.She never had me. Heart and body.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD