CHAPTER 1 - Something New in my Life

1661 Words
Five years later... Laine " Mommy,mommy papa is already here." sabi ng tumatakbong si Aliyah papunta sa akin.Hila-hila niya ang kamay ng papa niya. " Hi baby! How's your day? " tanong ng papa ni Aliyah sabay halik sa pisngi ko. " I'm good! Bakit maaga ka po yata ngayon mister? " tanong ko. " Well, di ba nag-promise ako kay Aliyah na manonood tayo ng movie ngayon? So,halika na po misis ng hindi tayo gabihin." untag niya sabay kurot sa pisngi ko. Natatawa na lang akong sumunod sa naghaharutang mag-ama. Si Anton at si Aliyah. Sila ang mundo ko ngayon at masaya ako sa piling nila.Nagawa nilang malimutan ko ang masasakit na dinanas ko sa Pilipinas five years ago. Dito kami naninirahan sa Switzerland ngayon.Dito ko na ipinanganak si Aliyah na four years old na ngayon at nag-aaral na sa pre-school. Nung alukin ako ng bigboss na ipapadala sa bagong bukas na branch dito sa Switzerland pumayag agad ako para hindi na ako guluhin ni Marga at ng sa gayon ay makalimot na rin sa kasawiang pinagdadaanan ko. Nung umalis ako ng Pilipinas, nag-stay muna ako kila daddy sa US ng isang buwan. Hiniling ko kasi kay bigboss yun bago ako sumabak sa trabahong binigay niya sa akin. Tinulungan ako ng pamilya ko na kahit paano ay maibsan ang sakit na nararamdaman ko nung nandoon ako sa kanila. May isang pagkakataon pa nga na tumawag si Nhel doon at hinahanap ako dahil nalaman niyang umalis ako ng bansa ng minsang magkita sila ni Candy. Ngunit wala siyang nakuhang impormasyon mula kay Candy dahil wala akong kahit isa sa kanila na pinagsabihan kung saang bansa ako pupunta.Kahit gusto nila daddy na sabihin sa kanya na nandoon ako para magkaayos kami, nakiusap akong ikaila nila para na rin sa katahimikan naming lahat.Ayokong malaman pa niya ang kahit na ano tungkol sa akin.Mas lalong makakagulo lang yon sa sitwasyon niya. Matapos ang isang buwan umalis na ako sa US para pumunta na ng Switzerland. Ayaw pa akong payagan nila daddy dahil nag-aalala sila sa akin pero sinabi ko naman na kaya ko na, kaya napilitan na rin silang pumayag. Nung una nahirapan ako sa trabaho ko dito sa Switzerland dahil na rin nga yung ibang kasama ko ay mga foreigners,konti lang ang Pinoy.Pero after a month nasanay na rin ako at unti-unti ng nakapag-adjust. Isang araw nagulat na lang ako ng makita ko si Anton sa opisina ko pagpasok ko.VP for Sales din ako dito gaya sa Pilipinas kaya may sarili rin akong opisina. Pinadala daw siya ng lolo niya na si bigboss dito sa Switzerland para magtago.Ipinapakasal kasi siya ng daddy niya sa anak ng business partner nito kaya hiningi niya ang tulong ni bigboss, para takasan yung arranged marriage na pinagpipilitan ng daddy niya. May girlfriend kasi si Anton, si Lianna at ito ang gusto niyang pakasalan, kaya nga lang nag-aaral pa ito ng medesina kaya hindi pa sila pwedeng magpakasal. Nagkasundo sila ni Lianna na magtatago muna siya dito sa Switzerland at babalikan niya ito kapag pwede na silang magpakasal. Pero pagkatapos ng halos isang buwan na pagtatago niya dito,tumawag ang lolo niya sa kanya at sinabing nalaman na ng daddy niya kung nasaan siya at naghahanda na ito para puntahan siya. Kaya bumuo ng desisyon ang maglolo kasama ako bago pa dumating ang daddy niya. Yun ay ang pakasalan ako. Kaya nagmamadali kaming inayos ang lahat. Mabuti na lang may mga kasama kami sa kompanya na nagmalasakit na tumulong para mapadali ang kasal.Kaya bago pa makarating ang daddy niya,kasal na kami at wala na itong nagawa ng bumalik uli ito ng Pilipinas. Alam ni Lianna ang tungkol sa kasunduan namin ni Anton at ni bigboss. Kapag nakatapos na siya ng medesina ay magdi-divorce kami ni Anton at sila ang magpapakasal which is a year from now. At isa pa, hindi ako pwedeng manatiling nakatali kay Anton dahil kasal ako kay Nhel.Pumayag ako sa kasunduan dahil malaki ang utang na loob ko sa maglolo at magkaibigan kami ni Anton. At isa pa, dito lang kami mag-asawa, hindi valid ang kasal namin once na tumuntong na kami ng Pilipinas. Dito sa Switzerland,ako si Alyanna Maine del Rio pero once na umuwi na kami ni Anton sa Pilipinas, isa na uli akong Mercado, isang katotohanan na hindi ko pwedeng takasan kahit pa masakit ang pinagdaanan ko ng taglayin ko ang apelyidong iyon. uh Binaba ni Anton ang natutulog na si Aliyah sa kama nito pagdating namin galing sa panonood ng movie.Natutuwa akong pinagmamasdan siya habang inaalisan niya ito ng sapatos at nilagyan ng kumot.Mahal na mahal niya si Aliyah at sobra itong spoiled sa kanya. Sa loob ng limang taon na pagsasama namin bilang mag-asawa, naging matalik din kaming magkaibigan.He is a good husband to me.A good provider and a good father to our daughter Aliyah.He is sweet and of course, has a good looks too. Si Anton lang ang naging karamay ko sa lahat ng pinagdaanan ko sa Pilipinas. Katuwang ko din naman ang mga magulang ko at mga kapatid ko. Hindi rin nila ako pinabayaan.Inunawa din nila ang naging sitwasyon ko noon at hindi rin naman sila nagalit na nagpakasal kami ng lihim ng dati kong asawa dahil sinabi ko ang dahilan namin.Inunawa din nila kung bakit kami naghiwalay at hindi naman sila nagalit sa kanya dahil naging biktima lang ito ng isang tao na may matinding obsession sa kanya. " Hey kanina ko pa napapansin na nag-space out ka, may problema ba tayo baby? " malambing na tanong nya.Baby ang nakagawian niyang itawag sa akin gaya ng pamilya ko. Nakahiga na kami at naghahanda ng matulog. " Wala naman hubby naaalala ko lang yung nakalipas na five years natin dito, uuwi na kasi tayo ng Pilipinas sa isang araw." parang may pag-aalinlangan sa tono ko.Hindi pa yata ako ready sakaling makita ko siya. " Bakit hindi ka pa ba handang umuwi? Tell me, para masabi ko kay lolo na dito na muna tayo." " No, I'm ready na. Kaya lang maiiwan si Aliyah dito dahil may school pa siya,mami-miss ko siya ng husto.Kundi lang dun sa kasal nila Rina at Pete at dun sa fashion show na gagawin natin sa Montreal hindi muna ako uuwi." sagot ko na lang dahil ayokong mahalata niya na nag-aalinlangan ako dahil kay Nhel. Unfair sa kanya yun kahit kakaiba ang sitwasyon namin bilang mag-asawa. " Oo nga matagal din yung three months na hindi natin siya makakasama buti na lang pumayag ang mommy mo at si Rogen na dito muna sila habang wala tayo.Tsaka baby kailangan ko rin na umuwi dahil magpapa-secret marriage kami ni Lianna para wala na siyang kawala sa akin.Next year pa siya matatapos mag-aral eh naiinip na ako.Gusto ko bago tayo bumalik dito ay kasal na kami." Napaisip ako sa huling tinuran niya. Isa yon sa kasunduan namin. Kapag umuwi kami ng Pilipinas ay magpapakasal na sila ng lihim ni Lianna. Medyo nalungkot ako sa isiping yon. Kahit paano naman kasi minahal namin ni Anton ang isat-isa at isa rin kaming buong pamilya dito sa Switzerland. Paano na lang si Aliyah kapag nagtanong siya kung bakit papakasalan ng papa niya si Lianna? Kilala ng anak namin si Lianna.Ang alam niya kaibigan namin ito ng papa niya dahil nagpupunta ito dito sa amin kapag bakasyon siya sa Med school.Magkatabi sila ni Anton sa pagtulog at lingid yon kay Aliyah dahil ayaw naming maguluhan ang bata sa sitwasyon namin. Alam kong may nangyayari na sa kanilang dalawa ni Anton pero tinatanggap ko na lang yon. Asawa lang naman niya ako dito, si Lianna ang totoong nagmamay-ari sa kanya at pagkagaling namin ng Pilipinas ay aayusin na rin namin yung divorce namin dito. " Sus! secret marriage? Gaya-gaya.Ang sabihin mo may binabalak ka lang kaya atat ka ng umuwi." asar ko sa kanya. " Hahaha.Ikaw talaga baby, kilalang-kilala mo ako.Sige na, tulog na tayo, mag-eempake pa tayo bukas at susunduin ko pa sila mommy sa airport after lunch." tukoy niya kila mommy at Rogen na uuwi dito para may makasama si Aliyah pag alis namin sa makalawa. " Pero Ton, paano si Aliyah kapag nalaman niya ang tungkol sa pagdi-divorce natin at pagpapakasal mo kay Lianna?" bigla kong sambit. Bigla siyang natigilan at tila nag-isip ng malalim.He heaved a sigh. " Matalino ang anak natin baby, I'm sure maiintindihan din niya kapag ipinaliwanag natin sa kanya.And besides,secret marriage lang muna kaya tayong tatlo lang ni Lianna ang makakaalam.Don't worry hindi ko naman kayo iiwan kapag nasa Pilipinas na rin si Aliyah, pamilya ko kayo at mag-asawa tayo sa pagkakaalam ng parents ko.Hindi pa ako ready na sabihin sa kanila ang totoo.At yung sa kasunduan nating tatlo ni lolo.Masasaktan sila.Saka na, pag naayos mo na ang lahat." " Salamat Ton, hindi ko rin alam kung paano kami ni Aliyah kung wala ka na sa piling namin.At hindi rin yun papayag na hindi ka niya kasama." " Hindi ko kayo iiwan baby. Promise. Kahit ipagtabuyan mo ako,mananatili ako dahil hindi ko rin kakayanin na malayo sa anak ko.Unless, naayos mo na yung sa iyo, ibang usapan na yon at hahayaan kitang magdesisyon tungkol doon kung sakali." kinabig niya ako at hinalikan sa gilid ng ulo ko. Niyakap ko siya ng mahigpit.Kahit kailan talaga hindi niya ako pinabayaan.Kung wala lang kaming sabit pareho siguro hindi rin kami magdi-divorce.Maayos naman kaming nagsasama bilang mag-asawa, walang pretentions. Masaya kaming tatlo nila Aliyah bilang isang pamilya.Yun nga lang dito lang sa bansang ito at kapag nasa Pilipinas na kami magiging abnormal na ang sitwasyon ng pagiging pamilya namin.Because we both belonged to someone else.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD