WILLIAM Nang maihatid ko na siya ay dumiritso ako pauwi dahil tila ba may nararamdaman akong kakaiba. Kakaibang hindi ko kailanman gugustuhin lalong-lalo na sa sitwasyon kong ito. Kung tama man ang hinala ko ay alam ko rin na marami na siyang nalalaman ngayon patungkol sa aking mga ginagawa. I also wonder where the hell is Vlad right now to think that I badly needed his help. Kung kailan wala siya ay doon ko na naman siya kailangan. Minsan napapansin ko na rin ang mga kakaiba sa kaniyang mga kinikilos ngunit pinagliban ko lang lahat ng mga iyon. Pagkatapos noong araw na iyon ay lumihis na lang siya ng landas even though it really is not a big deal because I already know that he hates to see Miranda but it doesn’t even bother me right then. Noon ay naiinis ako kung bakit ngunit bakit t

