MIRANDA Sabik na sabik na akong makaapak sa kaniyang mansiyon dahil bukod sa gusto ko na ring maangkin si William ay hindi na ako makapaghintay na idapo ang aking kamay ng malakas na sampal sa babaeng iyon. Akala niya siguro ay nabubuhay na siyang siyang prinsesa sa mansiyong iyon ngunit nagkakamali siya dahil parating na ang reyna. Nakuha na rin lahat ng mga gamit ko at paniguradong nandoon na lahat. Kailangan ko kasi munang puntahan si Melecient sa kaniyang bagong bukas na restaurant dahil noon pa niya ako iniimbitahan and as usual kukunin niya raw ako bilang modelo sa kaniyang ipapalabas na commercial. Sino ba naman ako upang tumanggi kung limpak-limpak naman na dolyares ang isasampal sa aking bank account. Susunduin din ako mismo ni William kaya ngayon ay hinihintay ko na lamang s

