MIRANDA Pagkatapos ng mga ginawa naming sa loob ng kaniyang sasakyan ay hindi pa rin maalis-alis ang ngiti sa aking mga labi dahil sa alam kong baliw na baliw pa rin siya sa akin. Ang pinagkaiba lang sa ngayon ay ang kaniyang mga galaw na tila ba kakaiba para sa akin o dahil sa matagal lang kaming hindi nagkita at ngayon na lang ulit may nangyari sa amin kahit na hawak-hawak lang sa laman ang lahat? Nasa harapan na kami ng kaniyang mansiyon at hindi na ako makapaghintay na makita ang babaeng iyon. Hindi ko pa sinasabi kay William ang nalalaman ko dahil gusto kong masurpresa na lamang siya. Nang makapasok kami ay hindi ko man lang nakita si Eric na sumalubong sa amin which is good dahil hindi ko kailanman magugustuhan ang matandang iyon. Isa rin siya sa paaalisin ko sa bahay na ito just

