VICTORIA “Aalis ka na naman?” tanong ko na para bang nawawalan ng gana dahil na rin sa kakauwi niya lang ay aalis na naman siya at maiiwan na naman akong nag-iisa rito sa napakalaki niyang bahay na walang katao-tao. Bahagya naman siyang napangiti atsaka kumuha ng lettuce at nilagyan ng karne. “Miss mo ako ganoon? So then I won’t go anywhere,” wika niya saka siya sumubo at ngumuya. Tinapunan ko naman siya ng masamang tingin na animo ay akala niya kung sino siya ay doon naman siya humagalpak sa kakatawa kahit wala naman talagang nakakatawa. “Tawang-tawa ka riyan? Ang babaw ng kaligayahan mo ha,” ani ko atsaka naman siya tumango-tango saka kumuha ulit ng lettuce at ngayon ay isinawsaw naman niya ito sa sukang maanghang. Halatang-halata na ganadong-ganado siya sa pagkain at hindi talag

