WILLIAM It was already near eight in the evening and I couldn’t hold it anymore of not being able to see her. Ayos lang sa akin na hindi kami magkita sapat na sa akin na makita siya kahit na sa malayo. Hindi ko rin maintindihan kung ano itong nararamdaman ko ngunit isa lang ang sigurado ako—hindi ito pag-ibig dahil nag-aalala lamang ako. Oo, ganoon lamang hindi ko na dapat pahirapan pa ang sarili ko. Kasalukuyan namang nasa kwarto ko si Miranda at iyon naman hindi ba ang aking kagustuhan noon? Ngunit bakit ba tila ngayon ay naiirita ako sa kaniyang presensiya? Para na akong mababaliw sa kakaisip kapagka hindi ko man lang masilayan si Victoria. “Master, huwag kang masyadong magpagabi?” Agad akong natigilan naman biglang may nagsalita mula sa aking likuran. Madilim sa aking kinaroroon

