VICTORIA Hindi ko halos maintindihan ang pakiramdam ko dahil hindi pa naman nag-iisang araw ay nakaramdam na ako ng pagkaulila sa kaniya. Nang may narinig akong tila kaluskos sa kung saan ay hindi ko man lamang ito pinansin ngunit nang may tila mabigat na bumagsak sa lupa ay agad akong napalingon kung ano o sino iyon na may kaba sa dibdib. Dahan-dahan akong napalingon at doon mas lalo lamang kumabog ng husto ang aking dibdib. Naririto ngayon sa aking harapan si William at ngayon ay nasa daan kami at hindi ko alam kung saan kami patungo. Wala si Dmitry sa bahay at mag-isa lamang ako dahil may pupuntahan daw siyang importante. Bago pa man siya umalis ay sinigurado naman niya na magiging maayos ako kahit na isang araw lang naman siyang mawawala. “So he just left you there all alone?” mal

