C H A P T E R -#02

2749 Words
"ISLAND of DESIRE" By : "Ms. Alejos"     MASAYANG lumabas nang gaybar si Jeffrey ala-una palang nang madaling araw kaya makakatulog sya nang maayos at maagang gigising para muling makapag review. Sasakay sya nang taxi para mas mabilis ang kanyang byahe at sulit ang pahinga nya nang sa ganoon ay aani sya nang magandang marka. Pasakay na sya nang taxi nang makita nya ang kaninang kanyang costumer, sagad ang ngiti nitu sa labi. Napaisip sya bakit ganoon ang mga bakla, kahit konteng aliw lang ang ibigay mo handa ang mga eto magbigay sa'yo nang napakalaking halaga. Kung minsan naawa din sya sa mga eto kaya lang di naman sya papayag nang haplos-haplosin at pisil-pisilin ang kanyang sandata nang libre ano..   Habang nasa loob nang taxi lumilipad naman ang kanyang utak, sabik sya sa mga magaganap sa kanyang buhay sa hinaharap, ang makitang nakasuot na sya nang kanyang toga, at magkaroon nang sariling opisina ang naksuot na nang kurbata at may maipagmamalaki na sa buhay. At ang magkaroon sa huli nang sariling pamilya na at ang pangako sa sarili na sisikapin nyang imulat ang kanyang mga anak sa tamang landas hindi sa kagaya nyang kinalakhang pamilya. Punong-puno nang pangarap ang kanyang isip kaya naman di nya namanlayan na nasa tapat na sya nang address na binigay nya sa taxi driver.   "Iho !! eto na tayo sa address na binigay mo, para kang nagangarap pa nang gising dyan ah.." nakangiting wika nang driver na kinakawayan pa sya nang palad nitu para mapansin. Natawa din tuloy si Jeffrey nang makita na nasa tapat na pala sya nang kanyang mabahong lugar.   "Manong salamat ho.. Sige ho ingat kayo.." Wika ni Jeffrey nang makita ang kanyang babayaran sa metro nitu.   Pagpasok nya nang kanilang bahay, nakita nya ang mga adamit na nakakalat sa sala, tila mga pinaghunusan nanaman nang mga ahas, sabay naririnig nya ang mga unggol at halinghing nang dalawang tao na nasa banyo. Umiling-iling nalang sya sa nakikitang pagyanig pa nang pintuan doon. Malamang ang kanyang kapatid na panganay iyon may uwi nanamang costumer. Hindi na nya iyon pinansi at nagtuloy na sya sa kanyang silid para makapagpahinga. Tiningnan nya ang kanyang maliit na orasan at nag-alarm sya para magising nang maaga, nang sa ganoon mapasadahan nya muli ang kanyang mga reviewer.. Nakahiga na sya  sa maliit nyang kama nang  ang ding-ding naman ang tila yumuyog-yog.. Nasa kabila nang kanyang silid ang silid naman nang mga magulang. Mukang nasa langit nanaman ang mga eto. Ang maganda sa mga magulang nya ay punong-puno naman eto nang lambingan nasobrahan nga lang dahil  di ata nagsasawa ang mga eto sa tawag nang kanilang mga laman, kung may pag-aawayan man ang mga magulang nya marahil ay sa usaping pagtatalik lamang. Kinuha nya ang isa pang unan at itinakip nya iyon sa kanyang tenga, at sa awa nang Dyos marahil natapos na ang dilobyo sa kabilang kwarto tumahimik na din ang mga eto, sya namang nakatulog na si Jeffrey.   ____________________________________________   Alas-siete pa nang umaga ang kanyang pasok ngunit, gising na sya pagsapit nang alas-singko, maigi ang kanyang pag-aaral. nagtimpla sya nang kape at kaharap ang kape at biscuet at kasama ang kanyang mga aklat matama syang nagbabasa habang hinihigop naman ang mainit na kape. Kung maaga syang nagising mas maaga nagising ang kanyang ate, hinatid ata nitu sa kanto ang kasamang costumer nang nagdaang gabi..   "Oh, ang aga mong nagising ah.. Mukang nagsusunog ka nanaman nang kilay kapatid,, kung ako sa'yo gamitin mo nalang ang gandang lalaki mo sa ibang bagay, wala kang mapapala sa mga libro at diploma!! " tiningnan lang ni Jeffrey eto di na sakanya bago yon halos lahat naman sila maging ang mga magulang ay ganoon din ang sinasabi sakanya, ngunit iba ang kanyang paniniwala, sa pamamagitan nang diploma makakaahon sya sa putikan.   pagsapit nang ala-sais nang umaga, gumayak naman sya para maligo. Tapos na syang magbasa at magreview. kailangan naman nyang maging presko para sa pagpasok sa eskwelahan. Malapad ang kanyang ngiti at kompyansa syang maipapasa ang pagsusulit na gagawin. Isa syang simpleng studyante ngunit mataas ang kanyang katungkulan sa unibersidad kung saan sya pumapasok. Sya ang Presidente ng School body Organization sa kabuuan nang unibersidad kaya naman walang hindi nakakakilala sa kanya sa loob nang paaralan.   "Good morning Mr. President ! " bati sa kanya nang kapwa studyante, ginantihan naman nya nang ngiti at bati din iyon. Marami syang kaibigan sa eskwelahan, ang simpleng Jeffrey sa labas nang eskwelahan at Isang callboy sa gaybar, pagdating sa eskwelahan ay  tinitingala at ginagalang. Eto ang gusto nyang mundo, ang tila walang lamat o bahid nang dumi ang kanyang pagkatao. Inirerespeto at ginagalang sya nang kapwa studyante at kahit nang mga gurong mataas ang tingin sa kanya.   "Tol ! ang aga natin ah.." bati sa kanya naman nang kaibigang si Jayson..   "Oo Tol alam mo namang may exam tayo ngayon eh, kaya mas inagahan ko ang pagpasok.. " tugon naman ni jeffrey..   "Tyak ikaw nanaman ang nasa top nyan, Kaya idol din kita eh ang tyaga mo sa lahat nang bagay. Di na ako magtataka kung ang lahat nang babae dito sa campus ay sa'yo palagi nakatngin.." nakangiting turan ni Jayson.   "Tol masyadong papuri yan, Sige ililibre na kita nang meryenda mamaya.." agaw naman na sagot ni Jeffrey..   Sa loob nang silid aralan, matyagang nagmamanman ang kanilang guro sa bawt binibigay na pagsusulit, dalawa silang nag-aagawan sa trono nang pagiging matalino sa klase, Kaya naman ang mga mata nang kanilang guro ay matyaganf nagbabantay na tila naman binabalewala lang sila. Alam na ni Jeffrey yon kaya naman sya nag-aral nang mabuti para sa pagsusulit nila, wala syang sinasayang na oras at pagkakataon sa araw na yon. Halos kalahating oras sila nasa loob nang silid nang ipahinto nang guro ang pagsusulat mayrooon kasing limita ang bawat subject nila at kompyansa si Jeffrey na papasa sya wala pang biente minutos nang matapos nya ang kanyang pagsusulit. hinintay nya lang na pahintuin sila nang kanilang guro.   "Mr. Hernandez yong project nga pala nang S.B.O hinahanap nang School Dean ang mga risebo noon.. Pakiremind mo sa Secretary nang S.B.O.." wika namang nang kanyang adviser nang ipinasa nya an kanyang papel nang pagsusulit.   "Yes Ma'am nasa secretary po iyon nang S.B.O.. Hayaan nyo po at kakausapin ko sya mamaya para maipasa nadin lahat.." si Jeffrey..   "Okey Mr. Hernandez.. Salamat.." sagot naman ni Ms. Tapia. Hinantay nalang ni Jeffrey ang kanyang mga kaibigan sa labas, habang naghihintay sa labas di maiiwasang panay ang papansin nang ibang mga studyante sa kanya.   "Oh pare saan ang gimik natin ngayon?" tanong ni Jayson nang  makalabas na eto..   "Sa canteen lang ililibre lang kita nang meryenda.." tugon naman ni Jeffrey..   "Lang'ya pare talagang yayaman ka nyan, saksakan ka nang kunat eh.. Pero pwede narin yan lamang tiyan din yan alam kung magpapaalam karin agad at papasok kapa maya-maya.." wika naman ni Jayson. Si Jayson ang matalik nyang kaibigan ngunit di nitu alam ang trabaho nang kaibigan ang alam lang nitu ay nagtatrabaho eto sa isang hotel.   _____________________________________________________   TATLONG TAON ang matuling lumipas, kagaya nang dati walang pagbabago sa kaganapan nang buhay nang kanyang mga magulang at pamilya, ganoon parin ang buhay na uumiikot sa mga eto. Pero si Jeffrey ngayong taon matatapos na sya sa kanyang kursong arkekrura na walang ibang inaasahan kundi ang kanyang sarili. Napakasaya nya at sa wakas kaunti nalang at magkakaroon na nang katuparan ang kanyang mga pangarap sa buhay. Patuloy parin naman ang kanyang pagsasayaw sa gaybar, ang gaybar ang kanyang naging puhunan sa lahat.   Sa paglipas nang panahon, mas maraming natutunan sa buhay si Jeffrey, mas marami syang nakita sa kanyang mundong ginagalawan, mas lalong nanging mulat ang kanyang isipan sa kahirapan, ang mabuhay nang ang sarili lamang ang kanyang inaasahan at kahit minsan hindi sya humingi nang tulong sa mga magulang, dahil alam naman nya ang isasagot nang mga eto oras na lumapit sa mga eto.   ALL YOUR's GAY BAR sa pagdaan nang nang mga araw, buwan at taon mas lalong naging popular ang lugar na eto mas dumami ang mga parokyanong tumatangkilik, magaling din naman kase ang namamalakad nitu di nawawalan nang bagong gimik lalo na kapag bignight. At ang pangalang MR. REY  YU ay mas lalong namamayagpag sa bar na eto, Isa sya sa napakaraming suki dito, sya ang madalas na hinahanp nang mga kabaklaan at mga matrona.   Dahil big night ngayon isang sorprise number ang kanyang ginayak para sa mga parokyano nya.. Bagong pakulo eto nang  manager at halos isang linggo palang eto naisasagawa, ngayon sya ang nakasalang sa isang cubicle na may shower sa gitna nang stage, sinadyang ipagawa eto nang gaybar. Animo'y isang glass bathroom ang makikita sa gitna nang stage, may shampoo at sabon kumpleto ang lahat sa pagpapaligo.. nakasalang si MR. REY YU na wala nag saplot doon habang sumasayaw sa saliw nang maharot na awitin. Ang bawat papasok ay wellcome na sumabay at makiligo sa  performer basta igayak lang ang bayad sa entrance, pwede mong hawakan at sabunin ang buong katawan nang performer sa halagang dalawang libong piso sa loob lamang nang kinse minuto.. Pumatok ang ganitong gimik sa kanilang gaybar, noong una nahihiya pa si Jeffrey but for the sake of the money he can do everything.   Wala pang limang minuto na sumasayaw si MR. REY YU, isang matandang babae na agad ang nagbigay nang dalawang libong piso, nakahanda rin eto naka suot eto nang two-piece, at halos masuka at pagatawanan ni Jeffrey ang matanda halos lola na nya eto, napamulagat ang mga mata nitu nang makita ang kanyang kabuan.   "Please come-in sweety and be my guest.." malanding turan ni Jeffrey sa kanyang parokyano, isa eto sa mga nagbago sakanya mas natutu na syang kumarinyo sa kanyang mga parokyano at mga suki.   "Napakalaki nang monay mo Papa at ang kayamanan mo talaga namang mabubusog ako.." wika nang matanda na kumindat pa kay Jeffrey, kunway sinalo naman nang binata iyon at isinubo sa kanyang bibig.. Pagdakay kinuha nitu ang sabon at sponge at marahang sinabunan ang katawan nang lalaki, ang mga nasa labas naman na naanig sa salamin ang ginagawa nila ay nagtilian naman. In cubicle you can touch, you can massage but not allowed to suck it and not allowed to insert, ibang usapan na at iabang kabayaran na iyon.   Napatulala naman ang magkaibigang Sugar at Belle, eto ang unang gabi na napasok nila ang gaybar na eto, narinig nilang may kakaibang show dito kaya out of curiousity ay pumasok naman sila at inalam kung anong meron sa loob nang gaybar na eto.  At nga ang kanilang nabugangaran sa pagpasok nila, panay ang palakpak at sayaw ni Belle. Malapit nang ikasal ang kaibigang matalik ni Sugar na si Kaycee naghahanap sila nang lalaking pwedeng sumayaw sa bridal shower nitu. kaya naman ginagalugad nila ang lahat nang gaybar, mataas ang standard nang kanyang kaibigan kaya di basta-basta dapat ang kanilang magiging guest na ipapakita sa kaibigan baka okrayen lang nitu.   "What a place Sugar!! terrifec.. Manipiko.. Bakit ngayon ko lang ata nalaman na may ganitu sa  lugar na eto!!" malandi at patiling wika ni Belle.   "Umayos ka nga dyan bakla, Tingnan mo oh!! eeww!! lola na pala yong nasa loob malamang chaka ang ang lalaki kaya pati matrona pinatulan.." wika ni Sugar..   "Wiisss bakla, basta laman loob na rin yan at pwede na magkano kaya para makapasok sa loob nang cubicle na yan? Parang gusto subukan ah.." wika naman ni Bell..   "Bakla alam ko naman lahat pwede sa'yo eh! wala kang patawad kaya.. kahit chabakungkung, mukang chaka, wis kanang keme.." si Sugar na tinampal namn ni Belle nang marinig ang tinuran nitu..   Nang makahanap nang bakanteng upuan ay naupo muna ang dalawa nakita nilang may pumasok muling bakla sa cubicle, at kagaya nang ginawa nang nauna pinaliguan nitu ang katawan ni Jeffrey hiniluran lalo na ang adan nitu.   "Bakla ang sarap nyan chupain napakalinis na oh... oooohhhh...llalalallalalla.." maarteng wika ni Belle na isinubo pa ang isang daliri sa bibig nya..   "Tumigil ka nga, maghulos dili ka muna naghahanap tayo nang aatend sa party, kaya yang tawag nang laman mo, saka mo na yan isipin, baka mamaya ang pototoy nyan puro bakukang eeewww... sabihin pa sa'kin nang bestfriend ko wala akong pambayad." sawata naman ni Sugar sa kaibigan. nang narinig naman nang manager ang usapan nang dalawa ay lumapit eto.   ''Hello mga ganda!! mukang ngayon lang kayo nagawi dito at di nyo pa kilala ang isang yan na nakasalang.. Anyway sya si MR. REY YU.. Sya ang pinaka magaling, pinaka maraming parokyano, pinaka gwapo, pinaka malaki at sya ang pinagmamalaki nang bar na eto.. Bakit di nyo subukan na pumasok medyo may kamahalan nga lang kase sya ang d'best sa lahat dito, kaya naman mahal ang bayad.." paliwanag nang manager ni Jeffrey..   "Wow mamu i like it magkanu ba?" tanong ni Belle..   "Dalawang libong piso lang naman sa loob nang kinse minutos..pwedeng hawakan, hipuin, sabunin, paliguan..Pero bawal ang isubo at ipasok kung san-san.."paliwanag ni Manager..   "What dalawang libong piso,himas lang ang gagawin ko?!!!"napasimangot na wika ni Belle.   Samantalang si Sugar ay nakikinig lang gusto nyang makita ang lalaki, at kakausapin nya eto.. Ngunit nang lumabas eto sa cubicle nakita nyang nakamaskara eto, kaya nanghinayang sya at di nya nakita ang itsura nitu.   "Mamu pwede kaya syang sumayaw sa bridal shower nang kaibigan ko? " magalang naman na tanong ni Sugar..   "Well sya ang kausapin nyo, sideline din yan malay nyo pagbigyan kayo ni MR. REY YU, basta tama ang bayad ay tinatanggap naman nya.." sagot naman ni Mamu..   "Tamang-tama babalik kami dito sa ibang araw, kakausapin ko muna ang bestfriend ko about sa party at kapag payag sya kakausapin ko si MR. REY YU.." sagot naman ni Sugar..   "Sure sige wellcome kayo dito, maiwan ko muna kayo at may mga costumer pa.. enjoy the night mga bakla.." wika naman ni Mamu at nakipagbeso-beso pa sa di naman nya kilala.   nang makaalis na ang manager nangpalinga-linga pa si Sugar hinahanap ang lalaking nakamaskara ngunit di na nya eto nakita.   "Bakla mukang tama ka baka chaka nga yon nakamaskara eh.." wika ni Belle sa kaibigan.. Di naman pinansin ni Sugar ang sinabi nitu bagkos nagpalinga-linga sya para hanapin kung may nakamaskara doon, ngunit wala naman syang nakita.   "Let's go!! bumalik nalang tayo sa ibang araw dito kapag nakausap ko na si kaycee about the plan." aya naman ni Sugar. Nagprotesta naman ang isang bakla, dahil ngayon palang eto nag-eenjoy sa gabing iyon nag-aaya na agad etong umuwi..   "Mauna kana kaya friend ang daming Papa na hindi nakamskara oh!! baka nandito na ang soulmate ko na matagal ko nang hinahanap.." wika naman ni Bell na inginuso pa ang labi.   Dahil sa nagpumilit ang kaibigang maiwan iniwan naman ni Sugar eto maaga pa kase sya kinabukasan para sa meeting nila ni Kaycee. Si Kaycee ang matalik nyang kaibigan, eto lang ang kaibigan na tumagal sa kanya, mayaman si kaycee sila naman ay nasa middle class naman ang pamumuhay kaya naman kahit papaano ay di sya naalangan na makitungo sa dalaga. Magkaklase sila sa college at parehong kurso ang kanilang kinuha, kaya naman mas lalong lumalim ang pagkakaibigan nilang dalawa. Nang makalabas na nang gaybar at nasa sasakyan na tinawagan nya ang kaibigan nakadalawang dial din sya bago nitu sinagot ang cellphone..   "Bestfriend nasaan ka ba? Ang tagal mo naman sagutin ang tawag ko.." maktol ni Sugar..   "Pasensya kana magkasama kami ni Jasper kase ngayon eh, pumipili nang wedding ring.." masayang balita nitu..   "Wedding ring sa madaling araw saang mall ba yan? Baka naman ibang ring na yang nakikita mo bestfrien..?" kantyaw ni sugar. Natawa din tuloy si Kaycee sa tinuran nitu.   "Ikaw kung anu-ano ang iniisip mo, natural sa catalogue kami pumipili, ang dumi nang isip mo talaga, magpahinga kana at maaga pa tayo bukas.." wika naman ni Kaycee..   "Oh sya yon lang din naman ang dahilan nang pagtawag ko, para ipaalala ang date natin bukas..Sige na betfriend magdrive paku, ingat ka good night and sweet dreams.. Iwasan mo muna yang sing-sing ha baka hindi sa daliri ang pasok nyan umaga na.." muling biro ni Sugar sabay na maalam sa kaibigan.   Mas lalong napatawa nang malakas si Kaycee na kinalingon naman ng kanyang nobyo. Dalawang buwan nalang at ikakasal na sila ni Jasper, napakasaya nya sa kanyang nobyo nandito na ang lahat, mabait, maunawain, at palaging buo at palagi pinaparamdam ang pagmamahal sa kanya. Kaya naman nang alukin sya nitong magpakasal walang naging hadlang dahil ang kanyang pamilya din naman ay gustong-gusto din ang nobyo na syang mapapangasawa nya. Mahal na mahal nya ang binata at wala nang makakapagpahiwalay pa sa kanila.     >>>>>>>>>>>>> ITUTULOY <<<<<<<<<<<<
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD