C H A P T E R - #03

2873 Words
 "ISLAND of DESIRE'' BY : "Ms. Alejos"     KINABUKASAN maagang nagising si Sugar para sa pakikipagtagpo nya sa matalik nyang kaibigang si Kaycee. Naligo at nagpalit sya nang kanyang damit. Ganun din naman si Kaycee maaga din eto nagising halos tatlong buwan din kase sila di nagkita nang matalik na kaibigan kaya naman sobrang exited sya na makita etong muli, tyak na marami nanaman etong pasalubong sa kanya, kwento ang kadalasang pasalubong nitu..   Eto ang pinaka malapit na kaibigan sa kanya, brutal kung magsalita eto ngunit may katotohanan di kagaya nang mga baklang kilala nya na lumalapit lang sa kanya para sa kailangan, kung makikipagkaibigan man may dahilan ang mga eto, pero si Sugar kilala na nya ang ugali nitu at wala sa life style nitu ang manloloko talagang pagkakaibigan ang hanap nitu. Sa tagal nang pagkakaibigan nila halos kabisado na nila ang bawat ugali nang bawat isa, kahit sa phone na magkausap sila alam nila kung ang tono nang boses nitu ay may dinadalang problema.   "Hi Pa! Good morning Ma!.. Mauna akong umalis magkikita kase kami ni sugar eh.. doon nalang ako mag-aalmusal kasama nya" pamaalam ni Kaycee sa mga magulang. "Anak bawas-bawasan mo ang pagala, ikaw nga etong ikakasal na, hindi maganda yong labas  ka nang labas malapit daw sa disgrasya ang mga taong ikakasal na, kaya mag-iingat ka palagi.." paalala nanaman nang kanyang mama. "Yes Ma!. " tugon ni Kaycee at hinalikan ang magulang  sa pisnge saka tuluyan nang nilisan ang kanilang bahay.   Sakay nang kanyang kotse nagtungo sya sa usapan nilang lugar ni sugar. Nauna nang dumating si Sugar sa meeting place nila kaya nang matanawan nitu ang sasakyan nang kaibigan agad napatili eto maging ang mga taong nandoon ay napalingon sa kinatatayuan ni Sugar.   "B-Best F-Friend!!!!! " tili ni sugar sabay buka nang nang malapad na mga bisig nito para yakapin ang kaibigan. Nag-aapura naman na lumapit si Kaycee sa kaibigan at niyakap din eto. Matagal ang yakapan nila at lahat na ata nang tao nakatingin na sa kanila. "Kumusta kana? Lalo kang gumanda ata.. Mukang nahiyang ka sa pagmamanage mo nang resort ah.." bungad ni Kaycee sa kaibigan. "Naku ikaw nga ang mas lalong gumanda mukang hiyang ka kay Papa Jasper, Kumusta naman kayo? Ikaw ba sigurado na dyan sa papasukin mo? Aba hindi biro ang pag-aasawa ha.." nakangiting wika ni Sugar. "Anu ka ba syempre sure na ako, alam kung magiging ulirang asawa at ama si Jasper sa amin nang pamilya nya, napakabait nya kaya wala na akong mahihiling pa, mahal na mahal namin ang isa't-isa kaya wala naman na magiging problema.." tugon naman ni Kaycee.   "Sure ka ba na ganoon nyo kamahal ang isa't-isa na kahit anung tukso ang dmating malalampasan nyo, tingin ko hindi totoo yan,. Tsaka di mo naman malalaman na mabait sya dahil di pa naman kayo nagkakasam sa iisang bubong eh.." tugon naman ni Sugar.. "Naku bestfriend subok ko na ang sarili ko, at alam kung di ako magtataksil sa kanya. Period." maigting na tugon ni Kaycee. "Talaga? I dare you come with me for one week in one island na may kasamang hunk at aakitin ka tingnan ko lang kung di ka magtaksil sa nobyo mo.." wika naman ni Sugar.. "Naku di na kailangan bestfriend." sagot naman ni Kaycee. "Bakit natatakot ka? Natatakot na baka nagkakamali ka nag tunay mong nararamdaman kay Jasper? Alam mo bestfriend kung totoo yang feeling mo na yan then accept my dare to you..Oh baka naman  ayaw mong tanggapin ang hamon ko dahil alam mong ako ang mananalo.. I know you alam kung ayaw mong natatalo.." pilit na pangungulit ni Sugar sa kaibigan.   "Talagang hinahamon mo ako ah, anu bang kapalit kapag ako ang nanalo sa hamon mo na yan ha? " tila enteresado namang tanong ni Kaycee sa kaibigan.   "It's simple napatunayan mong karapat dapat nga na matuloy ang kasal ninyo.. At mapapatunayan mo sa sarili mo na kahit kelan di mo talagang kayang lukohin si Papa Jasper mo ang soon to be your husband. So tinatanggap mo na.? " nakangiting tanong ni Sugar..   "Shoot. Sabagay tama ka din masusubukan ko ang sarili ko dito di ba? Teka kelan ang plan mo na yan?" nakangiti ding tanong ni Kaycee.,   "Well since wala naman na problema at okey na, pumayag kana, aasikasuhin ko na ang lahat, gamitin natin ang yate nyo ako nang bahala magpatakbo noon, at magugustuhan mo yung isla na nadiskubre ko napakaganda bestfriend doon kita dadalhin. At doon ka rin mag mumuni-muni.." napatawa si Sugar sa kanyang idea para sa kaibigan. Samantalang si Kaycee naman ay balewala lang ang lahat alam nyang sya ang mananalo sa hamon nang kanyang matalik na kaibigan.   Matapos ang kanilang kwentuhan habang nag-aagahan nag aya naman mag shopping si Kaycee, kaya nagpunta muna ang dalawa sa isang Mall, naghaharutan pa ang dalawa habang nagpapatentero sa kabila nang trapik na kanilang tinatahak, di naman nakaramdam nang pagkabagot ang bawat isa sa kanila.  Ganitu kasaya si Kaycee kapag kasama ang kaibigang si Sugar. Halos nakakalimutan nya ang lahat napaka masayahin kase nitu at bawat mapapansin nitu eh talaga namang may puna sya para sa mga nakakasalubong, kung di pipintasan eh may sasabihin na kung anu-anung lenguahe nang mga kabaklaan. Pero di naman ganoon ka sama si Sugar agad din naman eto nagsosory nang pabulong. Matapos makapag shopping ang magkaibigan masaya silang naghiwalay na dalawa namaalam din naman agad si Sugar gusto nyang makapagpahinga din para sa lakad nya kinagabihan. Babalik sya doon sa gaybar na pinuntahan nila nang nakaraang gabi at kakausapin o maghahanap sya nang ipapain sa kaibigang si Kaycee.   __________________________________   Dahil sa natapos na ang kanyang exam nakahinga naman nang maluwang si Jeffrey sa resulta, sya ang nagunguna sa klase nila, nagbunga nanaman ang kanyang pagpupuyat at pagsusunog nang kilay ika nga. Bakasyon sila nang dalawang Linggo dahil tapos na ang unang pagsusulit nila. Kaya naman ipon-ipon na muna sya nang pangbayad sa susunod na simester nya. Doble ang ginagawa nyang pag-iipon sinasabay din kase nya ngayon ang pag-aayos nang kanyang mga requirements, di pa man sya tapos pero gusto nyang igayak na ang lahat sa kanya, lahat umaayon sa kanya ang plano at kapalaran nya. Kaya naman labis-labis ang kanyang pasasalamat sa taas at doble din ang pagsisikap nya.   Maaga syang pumasok sa gaybar na yon, ayaw din nya kaseng tumambay sa kanilang bahay, wala naman kase syang mapapala doon, kahit ang pagkain nya madalas sa labas nalang sya kumakain, para syang may sariling mundo, katakot-takot naman kase ang sumbat na binibigay sa kanya kapag kumain sya sa bahay na di nakakaabot nang salapi sa magulang, inilalaan nya kase sa pag-aaral ang pera kaya naman di talaga sya nakakapag-abot sa kanila, project at expenses pa nya sa eskwelahan kaya kahit na may pera sya tinatabi nya iyon, di naman kase palaging malaki ang kita sa bar may mga gabi din naman na wala syang kinikita. Kaysa tinatabi nya ang kinikita nang nagdaang gabi kung meron man.   "Napakaaga mo naman pumasok Rey.." bati sa kanya nang kanyang Manager. "Mas mainam na Mamu na dito ako tumambay kesa sa bahay, makikitulog muna ako sandali pwede ba? " tanong naman ni Jeffrey.. "Oo naman sige lang gigisingin nalang kita mamaya kapag may mga tao na.." wika naman nang kanyang manager, mabait naman to kaya lang minsan umiiral talaga ang pagkabakla minsan natutulog sya ay nakita nyang tinabihan sya nitu, minsan nadin sya inalok nitu na maging Papa kaya lang ayaw nya, wala pa naman sya nagiging nobyo o nobyang matrona, ayos na sa kanya ang mga eto ang lumalapit pero yong magpapatali sa isa ay ayaw nya mahirap na, marami na sya kaseng nakita na naging magulo ang buhay dahil pumasok sa relasyon na kagaya sa kanilang trabaho.   Nang makapagpaalam agad naman na nagpahinga si Jeffrey sa isang bakanteng vip room. Doon sya natutulog madalas kapag wala pang costumer at gigisingin nalang sya nang kanyang amo pag meron nang costumer at sa taas naman sya maliligo sa banyo nang kanilang Manager. Alas nueve nang gabi eksakto nang gisingin sya nang kanyang boss, agad din naman syang bumangon at dinala sa taas ang maliit na bag. Paakyat na sya para maligo nang tawagin sya nang amo.   "Rey ikaw ang opening number ha, wala kase si Zax bukas pa ata papasok. " wika ni mamu na nakagayak na rin naka todo make-up na eto. "Okey lang mamu pero di ako mag cu-cubicle ha, medyo masama ang pakiramdam ko, rarampa nalang ako sa stage.. Baka matuluyan pa, babawi  nalang ako bukas kapag maayos na ang pakiramdam ko." sagot naman ni Jeffrey. "Oh sya ikaw ang bahala, wala namang problema sa'kin basta mag opening ka lang.." pagsang-ayon naman ni Mamu..   Nagmamadali lang maligo si Jeffrey medyo masama talaga ang kanyang pakiramdam, matapos maligo nagtungo naman sya sa dressing room para gumayak, alas onse nang gabi sila nag-uumpisa  pero alas dyes palang tumatanggap  na sila nang mga panauhin, naka custume sya dahil sya ang opening may mga back-up naman syang kasama, sya nga lang ang main star kapag opening. Isang tila super hero ang kanyang atire yon nga lang halos kalahati nang kanyang katawan ay nakalabas naman.   "Mukang wala ka sa mood Mr. Rey ah.." puna naman nang taga ayos at make-up nila. Di nya magawa na makipag kulitan talagang masama ang kanyang pakiramdam ngayon, ngunit kailangan nyang maging masaya oras na isalang sya sa stage kailangan ang mapang akit na ngiti at tila masaya, para din silang mga artista kapag nasa harap na nang manonood kailangan nilang palaging nakangiti, kailangan nilang palging magiliw sa mga parokyano nila. Kaya tama lang na nakamaskara sya para natatago ang kanyang face reflection, hanga sya sa mga kasamahan nya dahil ang mga eto talagang di kailangan nang maskara, para magawa ang trabaho.  Pero si Jeffrey kailangan nya eto para sa kanyang iniingatang pangalan at karangalan sa huli.   Paglabas nya nang dressing room, nakangiti na sya hinihintay ang hudyat na maisalang sya, kasama ang grupo lahat sila nakagayak na para sa kanilang mga number. "Mga kabaklaan, kashundaan! mga matronang huli na sa byahe at sa mga bago pa lamang naligaw dito sa ALL YOUR's GAY BAR, pasalubugan natin nang masigabong palakpakan ang star for all season MR. REY YU !! " pag-a-anounce nang emcee. Mainit ang palakpakan na sinalubong nang mga parokyano ang paborito nilang dancer. Nang pumaimbabaw ang awiting JUMBO HOTDOG mas lalong nagtilian ang mga costumer, mas lalong lumakas ang ang hiyawan nang si Jefferey ay sumayaw na, nakakaloko ang kanyang galaw na talaga naman kakaaliwan nang sinu mang manonood sa bar na yon.   Samantalang si Sugar matama namang nakamasid lamang sa grupong sumasayaw lalo na sa tinawag nilang STAR FOR ALL SEASON, napapantastikuhan sya sa lalaki kung bakit naka maskara eto gayong sabi naman nang manager eh magandang lalaki naman eto, ngayong gabi makiki nya ang mukha nito kung sakaling pumayag eto sa kanyang iaalok. At panalangin nya ay guapo talaga eto nang sa ganoon mas mapaaga ang punta nila sa Isla na sinasabi nya sa matalik na kaibigan, katuwaan lamang eto, ngunit seneryoso na nya nang mapapayag ang kaibigang si Kaycee.   Kinausap na nya ang manager kaya naman, hinihintay nalang nya ang matapos ang pagsayaw nitu. Humanga sya sa pagiling ni MR. REY YU , kuhang-kuha nitu ang mga  panauhin kahit pa isa syang taong di pa nakikita nang ilan gawa nang kanyang maskara. Napakaganda din nang katawan nitu, makinis at maskulado, at maging ang height niyo kung totoosin pang ramp model talaga, kulang nalang ang mukha nito para makumpleto na ang kanyang pananabik na makita ang lalaking misteryoso. Nang matapos ang kanyang number, lumapit sa gilid nang stage ang kanyang manager at binulungan si Rey kung sya lang ayaw sana nya makipag table dahil masama ang kanyang pakiramdam kaya lang importante at may iaalok daw etong sideline kaya naman pinaunlakan nadin nya ang taong makikipag-usap sakanya.   Nagsuot lang nang roba si Rey at pinuntahan na nitu ang sinasabing table nang kanyang manager. Isang bakla eto nakakapagtaka ata at hindi sa vip nagpunta eto, ngayon lamang eto nakita nya, mukang desente ang baklang eto, nakapolo din eto.   "Hi !! Magandang gabi sa'yo!" bati naman ni Rey sa kanyang costumer. Inabot naman ni Sugar ang kanyang kamay at nakipagkamay sa lalaki. "Magandang gabi din naman, halika maupo ka .." anyaya naman ni Sugar kay Rey at naupo naman si Rey sa bakanteng upuan. "Gusto mo raw ako makausap sabi ni manager, at napakahalaga raw nitu kaya naman nandito ako ngayon.." mahinang wika naman ni Jeffrey. "You want some drinks? " alok ni Sugar kay Jeffrey alam nya ang patakaran nang mga gaybar parang club lang din eto na kailangan alukin nang lady's drink ang guest nila. "No thank you. Gusto ko lang malaman ang pakay mo sa'kin kaya nandito ako, pasensya kana medyo masama kase ang pakiramdam ko kaya, after nitu magpapahinga nadin ako." tila naman nagmamadaling wika ni Rey.   "Oh sya di na rin ako magpapaligoy-ligoy pa, kailangan ko nang isang lalaking aakitin ang kaibigan ko na bumigay sa tukso, in-short magbabayad ako para sa misyon na mahulog sa'yo ang kaibigan ko sa loob nang isang Linggo, wag kang mag-alala alam nya ang plano ko, susubukan lang din nya kung talagang ganoon sya ka faithfull sa kanyang Fiance.. Simple lang ang trabaho mo aakitin mo lang sya, yon lang twenty thousand pesos sa loob nang isang Linggo.." wika ni Sugar.. napatawa naman si Jeffrey. "To be honst twenty thousand pesos is kayang-kaya ko kitain yan sa loob lang nag apat na araw, di naman sa pagyayabang.." wika ni Jeffrey. "Ok fifty thousand, free naman lahat sa'yo kung anong kailangan, bakasyon mo nadin yon.." wikang muli ni Sugar, nang banggitin ni Sugar ang bakasyon, parang ang sarap sa pandinig ni Jeffrey ang tagal na nga nyang walang break.. Trabaho at eskwelahan ang kanyang ginagawa. "Fifty thousand maakit at hindi sya kailangan mong magbayad sa'kin and free all ako.. basta one week lamang.." pagsang-ayon naman ni Jeffrey napangiti si Sugar at inabot nya ang kamay tanda nang pagkakasundo nilang dalawa. "Ngunit may kahilingan sana ako, maari ko bang makita ang mukha mo, mahirap na palagi kang nakamaskara kaya di ko alam ang nasa loob nang maskara na yan." wika ni Sugar na naintindihan naman ni Jeffrey ang ibig sabihin nitu. "Ano nga pala ang pangalan mo? " tanong ni Rey kay Sugar. "Sugar, Sugar ang pangalan ko at ikaw ano ang totoo mong pangalan? '' tanong naman ni Sugar. "Rey. yan ang pangalan ko, sige let's go sa dressing room para makita mo ang looks ko, baka naman kase imbis na maakit ang kaibigan mo eh matakot, kumaripas nang takbo, sa takot.." nakangiting sagot ni Jeffrey.  Tumayo si Jeffrey at sumunod naman si Sugar. Maliit lang ang dressing room pagpasok palang ni Jeffrey ay hinubad na agad nya ang maskara at tumapat sa may ilaw para makita ni Sugar.   Napawow naman at napatango nalang si Sugar sa nakita, perfect di sya makapaniwala na ang ganitong lalaki ay magtatyaga sa bar na ito. Complate package na eto para sa kanya, kung pagbabatayan ang physical na anyo hamak na lamang pa eto kesa  kay Jasper na nobyo nang matalik na kaibigan. "Okey na ba eto, tingin mo ba hindi matatakot ang kaibigan mo sa'kin? " pukaw  naman ni jeffrey sa nakatitig na bakla sakanya. "Pasado kana, kukunin ko ang numero mo para matawagan kita kung kelam tayo magbabakasyon, isang Linggo lang yon. At pagkatapo non normal na uli ang buhay mo.." wika ni Sugar, sabay labas nang kanyang phone para kunin ang numero ni Jeffrey. "One day before umalis inform mo ako para makapagpaalam ako kay mamu.." tugon ni Jeffrey sabay bigkas nang kanyang numero sa kausap, inilalagay naman ni Sugar ang numero sa cellphone nitu. "Anyway free na ang table mo sa'kin now total binigyan mo naman ako nang trabaho eh.." muling wika ni Jeffrey, sya namang pamamaalam ni Sugar sa lalaki.   Sobrang sabik si Jeffrey sa kanyang magiging bakasyon, ang tagal nadin nyang naburo sa bar at eskwelahan lamang ang kanyang pinupuntahan kaya, tinanggap nya agad ang alok nitung baklang lumapit sakanya. Magkakapera na sya magbabakasyon pa sya.   Maging si Sugar ay wala ding paglagyan ang tuwang nadarama, igagayak nya ang lahat sa kanilang bakasyon. Sa totoo lang hindi naman kase sya ganoon kaboto kay Jasper tingin nya yaman lang nang kaibigan ang habol nitu o ang pagmerge nang company nina Kaycee at nila Jasper. Mabait eto ngayon, kagaya nang sisasabi nang kaibigan, pero di mo makilala ang isang tao nang lubusan hanggang sa di pa kayo nagkakasama eto ang madalas na sabihin nya sa kaibigan, ngunit palagi naman sinasabi ni kaycee na mahal nya si Jasper.   Habang pauwi pinaplano na ni Sugar ang mga dapat bilhin at kailanganin sa kanilang byahe, maging si Jeffrey ay kailangan din nya idamay sa budget, ipapaalam nya ang yate sa papa ni Kaycee alam nyang di naman sya nitu hihindian, matalik silang magkaibigan at kahit na ganoon pa ang kanyang pagkatao ay tanggap naman sya nang pamilya Briones bilang kaibigan ni Kaycee. Tatawagan nya ang kaibigan para makagayak eto at tatawagan din nya si Rey para sa plano.  Lahat ay detalyado ayon sa kanyang isip. Maakit at hindi man si Kaycee ang importante sakanya nasubukan ang pag-ibig nitu para kay Jasper at pwedeng magbago ang isip nitu.   >>>>>>>>>>> ITUTULOY <<<<<<<<<<  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD