" ISLAND of DESIRE " By:" Ms. Alejos " MAGDAMAG din halos walang tulog si Kaycee sa kinaroroonan nila, binabantayan nya si JL na panay ang kamot at tampal nang katawan dahil na rin sa kagat nang lamok, naawa sya sa kanyang anak, nagugutom eto eto nang nakaraang gabi, hindi man lang sila inabutan nang pagkain nang mga lalaking kumuha sa kanila. Kaya pagising nitu tyak na maghahanap nanaman nang pagkain. Mas mabuti na nga lang na matulog eto nang sa ganoon hindi maramdaman ang gutom, dinudurog ang kanyang puso kapag impit na umiiyak eto. Alas-siete na nang umaga ayon iyon sa relo nyang pambisig kaya, dahan-dahan syang tumayo lumapit sya sa bintanang nakikita nya sa silid na kinalalagyan nila, sumilip sya sandali sa liwanag na kanyang natatanaw. Napagtanto nyang nasa taas sila

