" ISLAND of DESIRE " By: " Ms. Alejos " MADILIM ang paligid nang kinaroroonan nina Kaycee nang magising sya, hawak ni JL ang kanyang mga kamay, iginala nya ang kanyang mga mata pilit na inaalam kung nasaan silang lugar. Agad nyang niyakap si JL nang makabangon na sya.. "Mommy are you okey? " tanong sa kanya ni JL.. Tumango naman si Kaycee. "Okey kalang ba anak?" ganting tanong ni Kaycee na tila nahilo-hilo pa.. "Yes Mommy I'm okey, lot's of bad guy outside mommy.." wika naman nang bata.. Niyakap nya lang si JL. Di nya alam kung anu ang pakay sa kanilang mag-ina nang mga eto. Dahan-dahang tumayo si Kaycee at iniikot nang kanyang mga mata ang kabuuan nang kinalalagyan nila. Mukha etong isang abandonadong gusali, naririnig nya ang mga boses nang

