13th Chapter: Melvin's Realization

1550 Words
NAPAHIGA si Melvin sa damuhan dala ng sobrang pagod. Ginawa niyang unan ang malaking backpack. Nakaakyat na siya sa bundok na kabibili lang niya. Wala pa siyang naiisip na pangalan para doon pero balak niyang gawing mall ang malawak na lupain. Umakyat siya sa bundok na iyon para i-check ang kalagayan niyon at para hanapin ang bulaklak na paborito ni Genna na doon lang matatagpuan. It would be his peace offering to her. "Genna..." "It's unfair that I'm in love with you, while you only love to be with me." Hindi siya nakasagot doon dahil totoong gustong-gusto niyang kasama si Genna. He found peace by her side, and in all the times he experienced heartache, she had stayed in his life. Sa kanyang pagpikit, wala siyang ibang nakita kundi ang isang magandang alaala kasama ng babaeng pinakamalapit na sa kanyang puso, maliban sa kanyang ina. He opened his eyes. Kinutusan din niya ang sarili. "Ang tanga-tanga mo, Melvin! Ni hindi mo man lang naisip ang nararamdaman niya tuwing sasabihin mong mahal mo siya!" Totoong mahal niya si Genna, pero ang problema ay hindi niya alam kung anong klaseng pagmamahal iyon. Pagkatapos ng panlolokong ginawa ni Hazelette sa kanya—inakit lang pala siya nito sa utos ni Seigo—ay hindi na uli siya sumubok sa pag-ibig. Naging gago siya, babaero, at lalaking walang karapatan sa inosenteng tulad ni Genna. Kilala niya ang sarili kaya alam niyang hindi siya nararapat kay Genna. Iyon ang dahilan kung bakit ni minsan ay hindi niya nagawang tanungin ang sarili kung ano nga ba talaga ang nararamdaman niya para sa dalaga. Natatakot kasi siya sa lalabas na sagot sa katanungan. Pero ngayon, hindi na niya natakasan. At ngayon, kailangan na niyang harapin ang katotohanang matagal na niyang iniiwasan. Ipinatong ni Melvin ang braso sa kanyang mga mata. "s**t! She's this important to me now." "Siguro dapat masanay na tayo sa buhay na hindi kasama ang isa't isa." Mapait siyang ngumiti matapos marinig sa isip ang sinabing iyon ni Genna. "Masanay tayo na hindi magkasama? Are you f*****g kidding me? Paano ko gagawin 'yon kung ngayon, hindi ko na magawang isipin ang buhay ko noong hindi pa kita nakikilala?" Inalis niya ang brasong nakapatong sa kanyang mga mata. Mula sa pagitan ng mga dahon ng nagtataasang puno sa paligid ay nakita niyang mataas pa naman ang sikat ng araw. Pero malayo pa ang lalakbayin niya pababa ng bundok. Dalawang araw na siyang naroon. "Kailangan ko nang bumalik sa Luna Ville." He sighed. "I miss her." Muli siyang pumikit. "Aw! That hurts!" Napalingon silang lahat sa sumigaw na si Primo. Natawa na lang si Melvin nang makitang pinipilipit ni Pearl ang braso ni Primo sa likuran nito. Nakapaligid silang magkakaibigan sa isang bonfire at nagka-camping sa isang bundok. "Melvin, tulungan mo naman ako!" sigaw ni Primo dahil alam na siya lang ang kakampi rito. "My lord, ano na naman ba ang ginawa mo kay Pearl?" natatawang tanong niya. Ngumisi si Primo. "I only tried to sleep beside her inside the tent." "And that's s****l harassment!" reklamo ni Pearl. "Manyak ka talaga!" "Wala naman akong balak na gawing masama! Sinisiguro ko lang na okay ka matulog outdoors! 'Di ba, Melvin?" "Oo nga naman, Pearl," pagsang-ayon ni Melvin. "Kilala mo naman si Lord Primo. Hindi niya magagawa 'yon. Saka s****l harassment na ba agad 'yon? Ganito ang s****l harassment." Nilingon niya si Genna na kasalukuyang nag-iihaw ng hot dog at barbecue. "My labs, tara nga rito. I-demo natin kung paano ang totoong s****l hara—" Hindi na niya naituloy ang sinasabi nang batuhin siya ni Genna ng pipino na nasalo lang niya. "Hey!" "Tse! Halika rito at maghiwa ka ng gulay. Kung napapansin mo, ikaw lang ang walang ginagawa," naiiritang sabi ni Genna. Luminga si Melvin sa paligid. Kahit pala naghaharutan sina Primo at Pearl ay nagpapaapoy ang dalawa sa bonfire gamit ang mga tuyong sanga. Alaude and Sley were making soup. Nagsasaing naman sina Umi at Melou. Sina Stein at Charly naman ay inihahanda ang folding table na pilit binitbit ni Primo roon. Napansin niyang huminto sa pag-iihaw si Genna at ngayon ay may kung anong tinitingnan sa likuran ng isang malaking puno. "My labs, ano 'yang tinitingnan mo?" "A flower," parang namamanghang sabi ng dalaga. Ipinatong ni Melvin ang baba sa balikat ni Genna habang sinisilip ang bulaklak na tinutukoy nito. Nasa mga palad na iyon ng dalaga. Pero agad nawala sa bulaklak ang kanyang atensiyon nang maamoy niya si Genna. He secretly caught a whiff of her scent—the sweet scent he loved inhaling because it never failed to calm him. Iyon ang dahilan kung bakit parati niya itong niyayakap. "Melvin, stop sniffing me," saway ni Genna. Natawa lang siya. Hindi naman siya tuluyang lumayo. Inakbayan pa rin niya ang dalaga, saka itinuon ang atensiyon sa bulaklak na nagustuhan nito. Kulay-ginto ang bulaklak na parang nakabukang pakpak ng isang fairy ang hugis ng petals. Kasinlaki lamang iyon ng isang clover leaf. "Ano kaya ang tawag sa bulaklak na 'to? It's so beautiful!" namamanghang tanong ni Genna. "Pangalanan na lang natin 'yan," suhestiyon niya. "It looks like a fairy's wings, and it reminds me of LV's resident fairy—Luna Queen. So, let's just call that flower..." Nilingon siya ng dalaga. Her eyes looked hopeful and excited. "Ano?" Hindi niya alam kung bakit pero parang natuwa siya nang makita ang mukha ni Genna. Ngumisi siya. "Lunabelle. 'Tapos, Lunabelles naman kapag plural." He only meant it as a joke to make her laugh. Kaya nagulat siya nang magningning ang mga mata nito. "Lunabelle. That's nice." Natawa siya. "Seriously?" Inirapan siya ng dalaga. "Bakit? Cute naman pakinggan, ah." Nakangiting hinarap nito ang bulaklak sa mga palad. "Narinig mo 'yon? Lunabelle na ang itatawag namin sa 'yo. It's cute, isn't it?" Sa kung anong kadahilanan ay bigla na lang humangin nang malakas. Tinangay ng hangin ang Lunabelle. Sinubukang habulin ni Genna ang bulaklak pero dahil madulas ang lupa sa nais nitong puntahan, niyakap niya ang dalaga mula sa likuran. "My labs, mapanganib sa bahaging 'yon ng bundok. Mas mahalaga ang kaligtasan mo kaysa sa Lunabelle," malambing na sabi niya. "Melvin!" galit na sigaw ni Genna. "Bakit?" nagtatakang tanong niya. "Alam mo ba kung saan nakapatong 'yang kamay mo?!" Napasinghap siya. Noon lang niya napansing nakapatong pala ang kamay niya sa kaliwang dibdib ni Genna. No wonder it felt soft... Naputol lang ang kamunduhang pumasok sa kanyang isip nang maramdaman niya ang paghawak ni Genna sa kanyang braso, saka iyon pinilipit sa likuran. Nagsisisigaw siya sa sakit. Tinuruan nga pala ito ni Charly ng self-defense. "Ah, so gano'n pala ang s****l harassment," nakangising sabi ni Primo na halatang pinagti-trip-an lang siya. "Screw that!" *** NAPABALIKWAS si Melvin. Oo nga pala! Ang paghahanap nga pala ng ginintuang bulaklak ang dahilan kung bakit siya umakyat sa bundok na iyon. Wala na kasi siyang makitang ganoong bulaklak sa flower-bed ng Luna Ville. Napangiti siya. "Lunabelle. Hindi ako makapaniwalang muntik ko nang makalimutan ang ipinangalan ko sa bulaklak na 'yon." Tumayo siya at sinimulang hanapin muli ang bulaklak. Nagtagumpay naman siya. Nakita niyang nakatanim ang isang Lunabelle sa ugat ng isang malaking puno. Ah, Lunabelles pala dahil tatlo ang mga bulaklak. Kinunan niya iyon ng litrato. Ayaw kasi ni Genna na pinipitas ang mga bulaklak. Mas gusto nitong pinagmamasdan lamang ang mga iyon. Napangiti siya. "I'm sure she'll be happy to see these Lunabelles." "Melvin." He thought he heard Genna's voice. Napangiti siya, saka nilingon ang pinanggalingan ng boses. "Genna—" Natigilan siya nang makitang ibang babae pala ang nasa harap niya. Naramdaman niya ang pagkawala ng kanyang ngiti. "Hazelette." Hazelette looked more beautiful now. Nakasuot lang ang dalaga ng simpleng pulang polo, maiksing maong na shorts, boots, at may sukbit na malaking backpack sa likod. She looked like a hiker, pero alam niyang porma lang iyon. Hindi naman kasi ito matiyagang maglakad. "Paano ka nakatapak dito? Walang ibang puwedeng umakyat sa bundok na 'to maliban sa 'kin at mga kaibigan ko," sabi niya sa malamig na tinig. Ilang buwan na rin mula nang muli silang magkita ni Hazelette matapos ang mahabang panahon—noong nasa kolehiyo siya. But now, she was back. Kadi-divorce lang sa asawa kaya nagbalik sa Pilipinas. Hindi lang niya maintindihan kung bakit siya ang kinukulit ni Hazelette ngayon. It seemed like she wanted to start anew with him. Him, despite everything she had done to him in the past! "Tinulungan ako ni Seigo na makalusot sa mga tauhan mo," maiksing paliwanag ng dalaga. "Hindi mo kasi sinasagot ang mga tawag ko." Bumuga siya ng hangin. Malamang ay si Seigo rin ang nagbigay sa babaeng ito ng numero niya. "Ano ba'ng kailangan mo sa 'kin, Hazelette? Utos na naman ba ng kapatid ko na guluhin ako?" "Hindi totoo 'yan, Melvin. Gusto ko lang namang humingi ng tawad sa 'yo. Mga bata pa tayo no'n. Kalimutan na lang natin ang nangyari noon at malay mo, this time, mag-work out na ang relasyon natin." Umiling siya. "Wala na 'kong nararamdaman para sa 'yo. Kung wala ka nang sasabihin, puwede ka nang bumaba. Naiistorbo mo na 'ko." Muli ay kinunan niya ng litrato ang Lunabelles. Hindi niya maiwasang mapangiti nang maisip ang magiging reaksiyon ni Genna kapag nakita nito ang mga bulaklak. "'Wag mong sabihing umakyat ka sa bundok para lang kumuha ng litrato ng mga ligaw na bulaklak?" nababagot na tanong ni Hazelette. Natigilan si Melvin. He really climbed that mountain just to take pictures of Genna's favorite flowers. Bakit niya gagawin iyon kung wala siyang nararamdamang espesyal para sa isang babae? Shit! You just answered your own question, dummy! "What? Don't tell me I'm right?" hindi makapaniwalang tanong ni Hazelette. Nilingon niya ang babae para sawayin. Subalit nakita niyang nang subukan nitong maglakad palapit sa kanya ay nadulas ito sa madulas na bahagi ng bundok. "Hazelette!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD