14th Chapter: Peace Offering

1838 Words
KopeeBook NAG-AALALA na si Genna kay Melvin dahil dalawang araw nang hindi umuuwi ang binata sa Luna Ville. Kapag nawawala si Melvin, tumatawag naman ito sa kanya. Bigla siyang natigilan sa pag-iisip. Hindi na kayo katulad ng dati, Genna. Hindi ba tinakot mo siya nang magtapat ka sa kanya ng nararamdaman mo? paalala niya sa sarili. Nag-init ang kanyang magkabilang pisngi nang maalala niya kung paano siya nagtapat kay Melvin, na narinig pa ng lahat ng taga-Luna Ville na nasa KopeeBook noon. Nang mga oras kasi na iyon, sa sobrang sama ng loob niya ay parang wala na siyang pakialam sa mundo. Mabuti na lang at walang nagbabanggit ng isyu na iyon. Maybe the people in her village were protecting her feelings because they knew that she was brokenhearted, knowing that Melvin did not feel the same way about her. Napabuntong-hininga na lang siya. "Are you worried about Melvin?" nag-aalangang tanong ni Melou na kasalukuyan niyang kasalo sa mesa. Nagbabasa ito ng fairy-tale book. "Ayoko man, hindi ko pa rin mapigilan." May kung sinong nilingon si Melou. "Lord Primo, Boss Crey, Genna is worried about Melvin. Puwede n'yo ba siyang tulungang hanapin si Melvin?" Nilingon ni Genna sina Primo at Crey na magkasalo sa iisang mesa. Subalit nakapagitan sa dalawang lalaki si Charly na abala na naman sa pagtipa sa laptop. "Okay," sabay na sabi nina Primo at Crey, at sabay ding naglabas ng cell phone. Dahil doon ay nagkatinginan nang masama ang dalawa. "I'm going to call my Pearl and ask her to find Melvin. Back off, Crey," banta ni Primo. "Why are you giving your fiancée this job? I'm going to form a search team to find Melvin so you back off, Primo." Lalong naningkit ang mga mata ng dalawang lalaki sa isa't isa. "I'll find Melvin first!" sabay na deklara nina Primo at Crey. Napabuntong-hininga na lang si Genna. "Mukha namang wala talaga silang balak hanapin si Melvin. Gusto lang nilang magpayabangan at magpagalingan." Melou chuckled. "At least, mapapabilis ang paghahanap natin kay Melvin." Binigyan niya ng nagdududang tingin si Melou. "Sinadya mo bang sina Lord Primo at Boss Crey ang hingan ng tulong para magkompetensiya sila?" Ngumiti si Melou. "Mas bumibilis kasi ang trabaho kapag nag-uunahan sila." Natawa si Genna. "True!" "Well, I guess hindi na nila kailangang mag-aksaya ng lakas at kayamanan para lang hanapin si Kuya Melvin," nakasimangot na sabi ni Umi habang nakatingin sa labas ng salaming bintana ng KopeeBook. "He's back." "With extra baggage," iiling-iling na dugtong ni Alaude na nakaakbay kay Umi. Sinundan ni Genna ng tingin ang sanhi ng pagkairita sa mukha nina Umi at Alaude. At parang nanigas siya sa kinauupuan nang makita si Melvin na akay-akay ang isang iika-ika pero magandang babae papasok sa shop. At hindi lang basta kung sino iyon. It was Hazelette—Melvin's first love! Everyone in the shop fell silent and turned to her at the same time. Then, they all glared at Melvin. "Hello! I'm back!" sabi ni Melvin sa halatang pilit na pinasiglang boses lamang. "Isinama ko na nga pala si Hazelette dito dahil habang nasa bundok kami ay naaksidente siya. The accident happened in my land, kaya responsibilidad ko siya. So, she'll be staying at my house in the meantime." When no one reacted, he nervously laughed. "Ang saya n'yo naman ngayong araw!" *** "YES, TITA. Susubukan ko hong tawagan siya," paniniyak ni Genna kay Tita Beatrice—ang ina ni Melvin. Pagkatapos niyang ibaba ang telepono ay humiga siya sa kama. Tumawag ang ginang dahil gusto nitong ipaalala niya kay Melvin ang nalalapit na memorial service ng lolo ng binata. Masakit pa rin sa puso at ulo tuwing naaalala niyang nasa bahay ngayon ni Melvin si Hazelette. Hindi niya alam kung paano nangyari iyon dahil hindi niya alam na nakabalik na pala ang babae sa Pilipinas. Pero alam niyang divorced na si Hazelette sa American businessman na naging asawa nito sa loob lamang nang tatlong taon. Could she still be after Melvin now that she is divorced from her husband? Alam niyang kahit bata pa noon si Melvin ay malalim ang iniwang sugat ni Hazelette sa puso nito. Because of that girl's betrayal, nawalan na ng tiwala si Melvin sa mga babae at natakot nang sumubok uli magmahal. At sa loob ng mahabang panahon, wala nga talagang nagtagumpay na makapasok sa puso ng binata. Kahit siya na parating nasa tabi nito. Posible kayang si Hazelette na nanakit kay Melvin ang hihilom din sa sugat sa puso nito? Naiiyak na si Genna isipin pa lang na magkasama ang dalawa. Sa iisang bubong. Ayaw niyang mag-isip nang masama pero sa ganda ng mukha at kurba ng katawan ni Hazelette, hindi malabong maakit nito si Melvin. "Malandi pa naman ang lalaking 'yon," naiiyak na reklamo niya. Tinapunan niya ng masamang tingin ang telepono sa bedside table. Hindi na siya nakatiis. Kinuha niya iyon at tinawagan ang numero ng telepono sa bahay ni Melvin. Mabuti na lang at agad may sumagot ng tawag. "Melvin, 'buti naman at nagri-ring na ang telepono diyan sa bahay mo. Kanina ka pa raw tinatawagan ni Tita Beatrice pero hindi ka niya ma-contact—" "Genna?" Boses iyon ng isang babae. She froze. Hindi na niya kailangang manghula kung sino ang nakasagot ng tawag dahil iisang babae lang naman ang nasa bahay ni Melvin ngayon. "Hazelette." "Sabi ko na nga ba at ikaw 'yan. How are you?" Tumikhim siya. "I'm fine. Ikaw?" "Hmm... my ex-husband is pretty famous in the financial world, so I guess, narinig mo na ang tungkol sa paghihiwalay namin. We've dated for a year and we were so in love then. It's funny how we only found out we had been keeping things from each other when we had already been married for three years. Kinailangan na naming maghiwalay dahil natuklasan naming hindi pala namin kayang pakisamahan ang isa't isa bilang mag-asawa." "Oh. I see," aniya sa pilit na pinatunog-interesanteng boses. Hazelette chuckled. "I'm sorry. Nakalimutan kong hindi ka nga pala interesado sa buhay ko. Hanggang ngayon ba ay masama pa rin ang loob n'yo sa 'kin dahil sa ginawa ko kay Melvin noon?" Tutal ay ito na rin naman ang nagsimula ng usaping iyon, nagpakatotoo na siya. "Oo. Sinaktan mo si Melvin, Hazelette. Hindi ako makapaniwalang nagawa mong paibigin para lamang saktan ang isang binatilyo noon na mas bata sa 'yo nang tatlong taon. You broke his pure heart." "I know. I was so in love with Seigo then so I did everything he asked me to. Gusto ko rin namang tulungan siya sa paghihiganti niya noon, kahit hindi ko alam kung bakit galit na galit siya sa mga Wu. At nang malaman ko ang dahilan, I felt guilty. Walang kasalanan si Melvin sa problema ng mga magulang nila. I tried to get back with Melvin when he was in college, pero hindi na uli niya 'ko kinausap no'n." Nagulat si Genna. Hindi niya alam na noong nasa kolehiyo pala sila ay pilit pa ring kinakausap ni Hazelette si Melvin. Ang akala niya, ang huling pag-uusap ng dalawa ay noong nasa high school sila. Kaya naman pala hindi agad naghilom ang sugat sa puso ni Melvin. Patuloy pa rin pala itong ginulo ni Hazelette noon hanggang sa maging huli na ang lahat para sa binata na sumugal uli sa pag-ibig dala marahil ng takot na masaktan muli. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa phone. "Bakit? Bakit kailangan mo pang guluhin si Melvin? Ano ba talaga ang gusto mo? Utos na naman ba ito ni Seigo?" galit na tanong niya. "This has nothing to do with Seigo anymore," kaila ni Hazelette. "Noon pa man, na-realize ko nang malaki ang kasalanan ko kay Melvin at pinagsisihan ko na 'yon. No'ng naging hellish na ang pagsasama namin ni Andrew bilang mag-asawa dala ng masyado niyang pagkalunod sa trabaho, bigla kong naalala ang binatilyo na parating tumitingin sa 'kin na may pagmamahal sa mga mata at handang ibigay sa 'kin ang lahat ng oras niya. I suddenly missed him. And I realized, no one ever loved me the way he did. And I'm craving that love now. I want it back." Kung puwede lang lumusot ang kamay niya sa loob ng telepono para sabunutan si Hazelette, ginawa na niya. "You're very selfish, Hazelette. You always have been. Please lang. Tigilan mo na si Melvin. Patahimikin mo na 'yong tao." "I can't do that, Gen. Why are you so concerned about Melvin anyway? You already have Seigo." Kumunot ang noo niya. "What do you mean?" "Oh, come on. Hindi mo ba alam na malaki ang selos ko sa 'yo noon dahil wala nang ibang inisip si Seigo kundi ikaw? Kapag may date kami, kailangan naming madaliin dahil kailangan niyang i-check kung nasa bahay ka na pagkatapos ng klase mo. Sa bawat espesyal na okasyon, regalo lang ang ibinibigay niya sa 'kin, pero ang oras at atensiyon niya, nasa 'yo lang. Akala n'yo ba, si Melvin lang ang biktima ng ginawang 'yon ni Seigo noon? I was a victim, too. Hindi niya 'ko minahal. Ginamit lang niya ako para mapagtakpan ang nararamdaman niya para sa 'yo, at para gamitin bilang pain kay Melvin." "I don't know what you're talking about. Hindi ko rin alam kung bakit hinahayaan ka ni Melvin na sumagot ng tawag para sa kanya. Pero pakisabi na lang na kailangan siyang makausap ng mommy niya. Good-bye." Genna hung up the phone. Parang lalong nadagdagan ang sakit ng ulo niya. Ano ba ang pinagsasabing iyon ni Hazelette? Alam niyang minahal ito ni Seigo, kaya bakit nasabi ni Hazelette na siya ang mahal ni Seigo? That did not make any sense. Ipinilig ni Genna ang ulo. "Mas mahalaga si Melvin ngayon. Hindi dapat ako nag-iisip ng kung ano-ano." Tumayo siya at hinablot ang jacket na nakasampay sa headboard ng kama. Kakaladkarin niya palabas ng bahay ni Melvin ang bruhang Hazelette na iyon. Hindi dahil nagseselos siya—kasama iyon, oo, pero mas matimbang pa rin ang kagustuhan niyang protektahan ang binata mula kay Hazelette. She would not let that woman hurt Melvin again. Subalit pagbukas niya ng pinto, nagulat siya nang makitang nakaupo sa front porch ng bahay niya si Melvin. Nakatalikod sa kanya ang binata pero napansin agad niyang nanginginig ang katawan nito dala marahil ng lamig. Manipis na ternong pajama lang kasi ang suot. "Melvin." Nilingon siya ng binata. Halatang nagulat kaya agad napatayo. Pumihit ito paharap sa kanya. "Genna! Bakit gising ka pa? At saan mo balak pumunta sa ganitong oras ng gabi?" Humalukipkip siya. "Ikaw? Ano'ng ginagawa mo sa tapat ng bahay ko?" He shifted his feet uncomfortably on the floor. At kapag ganito si Melvin, alam niyang kinakabahan ang binata. "Ahm, Hazelette insisted on staying at my house. Hindi ako komportableng maiwan na kasama siya sa bahay kaya naisipan kong pumunta rito sa 'yo." He smiled bashfully at her. "Puwede bang dito muna ko magpalipas ng gabi?" May kumiliti sa tagiliran ni Genna dahil sa ngiting iyon. Peste! Ang hirap talaga kapag mahal mo ang lahat sa isang tao. Nakakatunaw ng galit. At nakakakilig pa. Natuwa siyang makita ang nakangiting singkit na mga mata ni Melvin dahil na-miss niya ito kaya nanatili lang siyang nakatitig sa binata. Pero mukhang iba ang naging pagkakaintindi ni Melvin sa pananahimik niya dahil biglang bumagsak ang mga balikat nito. "Oh. You're still mad at me," malungkot na deklara ni Melvin. Natawa siya nang marahan. "Gusto mo ng kape?" Namilog ang singkit nitong mga mata. At nang makabawi ay ngumisi. "Please."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD