Dean "You may kiss your bride." Lumiwanag ang kalangitan sa aking narinig na utos ng pari. Napaskil na ang malapad na ngiti ko ng iniangat ko ang kanyang belo. She was also smiling sweetly to me. "I love you." bulong ko sa kanya. "I love you too." wika rin nito sa akin bago ko tuluyang sinakop ang kanyang labi. Napuno ng masigabong palakpakan ang buong simbahan. Lahat sila ay nakikisaya sa aming dalawa. Tatlong buwan matapos ipanganak ni Lara ang panganay namin na pinangalanan naming Stefan Garret ay sinimulan na naming asikasuhin ang aming kasal. Sa labing apat na oras niyang pag li-labor ay hindi ako umalis sa kanyang tabi. Kasama niya ako sa dami ng luha at sipon na pinakawalan niya at ng sa unang pag kakataon na masilayan ko ang anak namin ay may mas titind

