- Kimberlynn- "WHAT?!" gulat na tanong ni Anjie matapos kong ikwento ang nangyari kahapon. "Are you alright?" Napangisi ako sa tanong n'ya sa akin. "Oo naman, hindi ako iiyak ng matagal sa lalaking iyon," saad ko. Actually, okay na ako ngayon kaya nakakausap na ako ng ayos, pero kahapon ay parang ayoko ng alalahanin dahil nakakahiya. Hindi si Kim iyon, isang masamang ispirito ang sumapi sa akin kaya nagkaroon ng ganoon. "Hindi talaga tinigilan ng babaeng iyon, noh?" pikon rin na saad ni Anjie sa akin. "Mismo!" pag-agree ko. "Pero ayos lang, mukhang masbagay naman sila," dagdag ko. "Baka next week or next month makita mo na ang forever mo," nakangising saad ni Anjie sa akin. Napairap na lang ako sa ere dahil lahat na lang ng nakikilala ko ay mayroong sayad sa utak. Nagkwentuhan

