- Kimberlynn- ILANG minuto pa akong nag-stay sa paghihintay sa gilid ng kalsada hanggang sa lumingon ako sa likuran ko na mayroon akong maramdaman na nakatingin sa akin. Alam kong nakainom ako, pero hindi ako p'wedeng magkamali sa nararamdaman ko. Napatayo ako dahil ang tinitignan ko lugar ay madilim na bukid na mayroong matataas na d**o. Huminga ako ng malalim dahil pinagmamasdan kong mabuti ang paligid. Dahan-dahan akong naglakad dahil wala namang tao doon, at wala rin akong kasama na kahit sino dito. "Ahhh!" sigaw ko mag-isa sabay takbo ng mabilis papunta sa mayroong tindahan dahil pakiramdam ko. Mayroong lumabas na matanda sa tintahan at tinignan ako kaya agad akong napahinto sa kan'ya. "Ija, anong nangyayari sa iyo?" takang tanong ng matanda sa akin dahil sa pagsigaw ko habang t

