PATRICE was walking gracefully as she entered the Moreno Empire Building. Pagpasok pa lang nila roon ni Alexander, nakakuha agad siya ng atensiyon. Pinaghandaan talaga niya ang gabing iyon at metikulosong pinili ang gown na isusuot niya. She was wearing a red satin off-shoulder gown that hugs perfectly to her body. Mababa ang neckline niyon kaya nakalitaw ang cleavage niya. Her hair was carefully tied in a bun to emphasize her swan-like neck and smooth shoulders. Puno ng mga tao ang function hall. Nasisiguro niyang karamihan sa mga iyon ay nabibilang sa alta-sosyedad. Sinadya niyang magpahuli sila ni Alexander ng dating kaya alam niya na pormal nang naipakilala ni Ezekiel si Bainisah bilang pinsan nito. She scanned the crowd. Nakita niya sa isang sulok sina Bainisah, Vladimir, at Ezeki

