“s**t!” pagmumura ni Ezekiel nang makarating sila ng ospital at makita na may mga reporter doon na tila nagka-camping sa labas ng hospital. “B-bakit maraming reporter?” tanong ni Patrice dito. “Nakalimutan ko na narito nga pala sa ospital na ito si Senator Dizon. He suffered a heart attack at ang sabi sa balita ay malala ang kondisyon nito. Nakalimutan ko na marami nga palang media rito.” Hindi na siya nagkomento pero naunawaan na niya ang dilemma nito. Marahil ay ayaw nito na makita ng mga reporter na kasama siya nito at malamang na pagsimulan iyon ng rumor. Tumahimik na lang siya. Bahala na itong magdesisyon kung paano nito masosolusyunan ang problema nito. Pero sa pagkamangha niya ay lumiwanag ang mukha nito at gumuhit ang isang ngiti sa mga labi. “Well, come to think of it, mas pa

