CHAPTER 1.2-WELCOME HOME PAPA

1009 Words
Nang pagkarating niya sa bahay ay dumiretso muna siya sa kusina para magpakita sa Yaya Medy niyang siguradong nagluluto ng kanilang meryenda dahil alas-kuwatro ng hapon na kapag ganitong oras kasi ay naghahanda na siya ng meryenda nila. Nakita niyang naghahanda na ang kanyang yaya sa lamesa ng sandwich, juice at pati ng paborito niyang carbonara. Napalunok na lang siya nang laway dahil sa pagkatakam sa kanyang nakikita. Ramdam niyang mapaparami na naman siyang makakain. "Magandang hapon yaya." Nakangiting sabi niya sabay yakap. "Magandang hapon din naman Chastain. Hala sige magbihis ka na para makapagmeryenda na tayo," wika niya. Pagkatapos ay kumalas ng pagkakayakap sa kanya. "Oo nga pala tumawag ang papa mo kanina. Ipinapaalam na uuwi na raw siya ngayon." Nanlaki ang mata niya dahil sa pagkabigla dahil sa nalaman niyang uuwi ngayon ang kanyang papa. Ilang taon din niyang hindi nakita ito mula noong namatay ang kanya ina at nagpasya itong bumalik sa ibang bansa para magtrabaho muli bilang OFW. "Yaya, bakit parang biglaan ang pag-uwi ni papa? Hindi naman sa ayaw ko siyang umuwi pero nagkakapagtaka lang kasi. Saka di ugali ni papa na hindi magsasabi nang mas maaga na uuwi siya," nagtatakang sagot niya. "Hindi ko alam Chastain kung bakit. Siguro mamaya kapag dumating siya ay malalaman natin ang dahilan. Sa ngayon ay magbihis ka muna nang makapagpahinga ka pa para bago dumating ang papa mo ay makapagkuwentuhan kayo," sagot ng kanyang yaya. "Sige po yaya. Aakyat na po ako sa taas para makapagbihis at para makakain na tayo ng meryenda," nakangiting sagot niya. Habang naglalakad ay punong-puno pa rin nang agam-agam ang kanyang isip tungkol sa pag-uwi ng kanyang ama. Kung anuman 'yon sana ay para sa ikabubuti ng pamilya nila. Nang makarating sa harap ng kanyang kuwarto ay agad niyang binuksan ang pinto. Dumiretso agad siya sa harap ng vanity make-up dresser para ipatong ang kanyang shoulder bag. Unti-unting hinubad na niya ang suot ng damit pagkatapos ay pumunta sa harap ng kanyang kabinit para kumuha ng damit. Nag-jersey short lang siya't nag-puting t-shirt. Pagkatapos magbihis ay kinuha na niya ang kanyang selpon sa bag pagkatapos ay nagmadali ng bumaba para pumunta ulit sa kusina para kumain ng meryenda. KINAGABIHAN ay nagpalit agad siya ng damit ng puntahan siya ng kanyang yaya para sabihang malapit na dumating ang kanyang ama. Ginabi na siya ng uwi dahil pumunta sila sa birthday party ng kanyang katrabaho. Lubos niyang ipinagtataka kung bakit hindi siya ang tinatawagan nito upang ipaalam na malapit na siya kung di ang yaya pa niya. Pagkatapos niyang magbihis ng simpleng bestidang puti na bulaklakin at sinulyapan ang sarili sa salamin ay nagmadali na siyang pumunta sa kanilang sala upang doon maghintay sa pagdating ng kanyang ama. Habang nakaupo sa sofa at abala siya sa pagbabasa sa news feed ng kanyang Peysbuk ay may narinig siyang sasakyan na paparating. Biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso. Hindi niya mapigilang mapangiti dahil sa napuno ng kagalakan ang kanyang dibdib. Sa wakas makakapiling na rin niya ang kanyang ama. Mabubuo na rin sila kahit na wala na ang kanyang ina. Magiging pamilya pa rin naman sila. Prente lang siyang nakaupo habang hinihintay na dumungaw ang kanyang ama sa pinto. Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakita na niya ang imahe ng kanyang ama. Wala pa rin itong pinagbago. May mangilan-ngilan na siyang puting buhok ngunit kita pa rin ang kakisigan niyang taglay kahit nasa lagpas kuwarenta na ang kanyang edad. "Chastain, anak, grabe dalagang-dalaga ka na. Nakakatuwa at magkakasama na tayo ulit sa bahay." Masayang sabi ng kanyang ama sabay yakap siya nang mahigpit. "Oo nga pala! Kaya rin pala ako napauwi rito ay para asikasuhin ang ilang mga papeles para sa pagpapakasal namin ng magiging bago kong asawa." Napaawang na lang ang bibig niya nang marinig ang sinabi ng kanyang ama. Bumukas-sara na lang ang bibig ko pero walang mga salita ang gustong lumabas dahil naging blangko ang isip niya. "Pasensya ka na anak kung hindi agad kita nasabihan ng tungkol sa kanya. Ayaw ko kasing magalit ka sa akin habang nasa malayo ako. Kaya itinaon kong sa pag-uwi namin na sabihin sa 'yo ang tungkol dito. Siguro naman anak ay nauunawaan mo ang papa mo di ba?" Pagpapaunawang sabi ng kanyang ama. Blangko lang ang ekspresyon ang ipinakita niya sa kanyang ama. Wala siyang imik at pilit na pinapahinahon ang sarili sa harap ng kanyang ama. Mayamaya ay nakita niyang pumasok ang pamilyar na mukha sa loob ng kanilang bahay. "Ninang Alma?" pabulong niyang sabi habang nanlalaki ang kanyang mata na nakatingin sa kapapasok lang na bisita. Kasunod noon ay nakita niyang ipinasok ng dalawang kasambahay nila ang dalawang naglalakihang maleta kasabay ng kanyang inak. "Pakisabi Yaya Medy na ilagay na lang sa kuwarto namin ang mga maleta, salamat!" Nakangiting sabi ng kanyang ama pagkatapos ay humarap sa kanya habang nakaakbay sa kanyang ninang. "Hello Chastain, inaanak! Grabe...dalagang-dalaga ka na. Parang dati lang ay batang-bata ka pa't lagi mo pang bitbit ang mga tedy bear mo kahit saan ka magpunta." Wika ng kanyang ninang na pilit na ngumiti sa kanya kahit na naiilang. "Ahh...Ehh..." Hindi niya alam kung ano ba ang isasagot niya. Sa totoo lang ay napakabait ng ninang niya at para na niya itong pangalawang ina. Pero hindi niya lubos maisip na ito ang papalit sa puwesto ng namayapa niyang ina. "Sige po aakyat na muna ako sa kuwarto ko. Naalala kong marami pa pala akong gagawing trabaho." Magalang niyang sabi pagkatapos ay humalik sa pisngi ng kanyang ama. Hindi niya na hinintay pang sumagot ang mga ito kaya agad na siyang humakbang paakyat sa kanyang kuwarto. "Ma... Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit ang ninang ko pa? Bakit siya pa? Pakiramdam ko ay trinaidor niya tayong dalawa mama." Naramdaman na lang niya na unti-unting nanlabo ang kanyang mga mata dahil sa mga luhang namuo rito. Nagmadali na siyang umakyat para makarating sa kanyang kuwarto at doon ay umiyak nang walang nakakakita sa kanya. "Panaginig lang ba ang lahat? Kung panaginip lang 'to, sana ay huwag na akong magising."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD