Kanina pa parang sundalo na pabalik-balik si Marco sa kinatatayuan niya at aligaga. Sumasakit na ang ulo ni Cavin na panoorin siyang pabalik-balik. Kunot-noo itong nakatuon ang atensyon sa kanya. "Bro, maupo ka kaya?" ani Cavin. "Hindi sinasagot ni Rosie ang mga tawag ko, e. Pinatayan pa ako ng cellphone," nag-alala niyang sabi. Paano ba naman, kahit nagpaalam na ang dalaga, hindi niya maiwasang hindi mag-alala at mabahala. "Nagpaalam naman siya, hindi ba?" tanong ni Cavin. "Oo, pero hindi iyon sapat para sa 'kin." Bumuntong-hininga si Marco saka napagpasyahang maupo habang nag-iisip. Bakit naman kaya nagpasyang umalis si Rosie? Dalawang-araw? Saan siya pupunta ng dalawang araw? Sino ang kasama niya? Hindi pa niya ito nakakausap simula kahapon kaya nag-aalala na siya. Hindi sapat

