Flashback Pagkatapos na hawakan ni Marco ang kamay ni Silva, huminga siya ng malalim ipang kumuha ng lakas ng loob na aminin ang totoo sa dalaga. "I'm sorry, Silv." Ngumiti pa si Silva no'n pero ang totoo ay hindi niya maabot isipin kung bakit nag-sorry si Marco sa kanya. "Ano ka ba, bakit ka nagso-sorry?" natatawa nitong sagot. Nag-aalala si Marco sa kung ano ang magiging reaksyon ni Silva, but it's now or never. Mas mabuti nang malaman niya na ngayon kay 'sa patagalin pa 'to. Halatang aligaga na rin si Cavin. May clue na siya sa mga gagawin ni Marco. Pero bakit gano'n? Ayaw niyang maging concern kay Silva. He just wants to toy with her, pero bakit parang hinihila siya ng concern niya ngayon? Tumikhim muna si Marco saka nagsalita. "I'm sorry na-late ako." Hindi nito kinayang sa

