The next day, wala nang gana na pumasok si Rosie sa coffee shop. Makita niya pa lang siguro si Marco, matataranta na siya. Worse, masasaktan lang siya dahil maaalala niyang hindi na sila puwede. Sa sobrang pag-iyak niya kagabi, para tuloy pinupukpok ang ulo niya ngayon sa sakit. Mabuti na lang, nagmagandang loob si Rich na ihatid siya kagabi. Gumaan naman kahit papaano ang sakit na nararamdaman niya dahil nagkaroon siya ng kausap pansamantala, pero nang makauwi na, wala na. Doon na tuluyang bumuhos ang balde-balde niyang luha. "Wala namang katapusang sakit, Lord. Deserve ko ba 'to? Akala ko pa naman, kapag nakapagmove-on na ako kay Rich, magiging ayos na 'ko," ani Rosie sa sarili habang pinagmamasdan ang mukha niya sa cellphone niya. She looks messy. Namamaga ang mga mata niya sa kaiiy

