"Bro, umaasa si Silva na ikaw ang ka-date niya. Kung alam ko lang nung umpisa na ikaw ang gusto niya, 'di sana ginawa ko na ang lahat para ma-divert totally ang atensyon niya sa 'kin." Pagdadahilan ni Cavin. He has no idea that Silva likes Marco all along. Kaya naman pala kahit anong pagpapapansin niya dito, ayaw na ayaw sa kanya ni Silva. "I-I also didn't know she likes me! I am really clueless, Bro. All these times, akala ko si Rosie ang nagpapadala sa 'kin ng sulat. Goodness! This is a total mess," sagot ni Marco sabay hilot ng kanyang sentido. Ayaw niya rin namang saktan si Silva. Sumasakit na ang ulo niya. Malapit nang mag 7PM at wala pa rin kahit na anino nito sa paningin ni Silva. Gusto nang umiyak ni Silva. Iniisip niyang bakit paghihintayin siya ni Marco. Hindi ba dapat ay n

