Napukaw ang tulalang si Rosie nang tapikin ni Silva ang balikat niya. Nasa labas sila ngayon ng coffee shop at sumaglit ang kaibigan para ibigay ang letter. Gusto sana ni Silva na makita sa sarili niyang mga mata ang mismong pagtanggap no'n ni Marco pero ayaw niyang mapaghalataan. She decided na h'wag na munang magbalandra ng sarili niya at baka mabuking pa siya. "Bes, alam mo na, ha?" Bilin ni Silva sa dalaga sabay abot ng letter sa kanya. Napatingin si Rosie sa letter na inabot sa kanya ng kaibigan. Same as last time, gano'n rin ang hitsura no'n, pero hindi pa niya alam kung ano ang laman nito. Ano kaya ang mga sinasabi ni Silva to Marco all these time? "M-Makakarating ito sa kanya, bes," sagot ni Rosie saka siya ngumiti sa kaibigan. Umalis na si Silva. Sumakay na ito sa kotse niya

