Nakadapa si Rosie sa sofa niya at hawak-hawak ang sulat na bigay sa kanya. Dahan-dahan niyang binuksan iyon kahit kinakabahan pa siya ng kaunti. Hindi niya maisip kung sino ang posible na magbigay no'n. Binasa niya ito. "Hi, Rosie. You don't need to know me because we've known each other long time ago. I just want you to know that I love you, after all the time that had passed, it's always been you. I can't feel my own heart beating for another. I hope you're always safe. Mr. Anonymous." Tanging pag-t****k ng orasan niya ang naririnig niya saka ang mahinang pagtibok ng kanyang puso. Napaka-misteryoso ng taong 'to para sa kanya. "Magkakilala kami?" Napatakip siya ng bibig niya. "Who the hell is he?" Parang baliw siya na kinakausap ang sarili. Nagpagulong-gulong siya sa kama niya s

