Pagdating ni Marco sa coffee shop, si Rosie agad ang hinanap niya. "Eldon, si Rosie nakita mo ba?" he asked. "Ah, umalis sila ni Cavin, e. Hindi ko alam kung saan nagpunta, Sir," sagot naman ni Eldon habang nagliligpit ng mga tray. "Gano'n ba." Napaisip si Marco. Si Cavin na naman? Ano ba ang binubuntot-buntot no'n kay Rosie? Aniya sa sarili. Kakapasok niya pa lang ay nakabusangot na agad siya. Bumukas ang pinto ng coffee shop at mula sa counter kung saan siya nakaupo ay napako ang tingin niya sa kakapasok lang na dalaga. She's familiar to him. Maiksi ang buhok nito, neck level lang. Sinuri niya ang bawat detalye ng mukha ng dalaga. Pakiramdam niya ay huminto ang oras nang makilala niya ang pamilyar na mukha nito. Mas lalo pa niyang nakumpirma kung sino 'yon nang sumunod sa likuran

