Kasalukuyang matatalim na titig ni Rosie ang halos gumilit sa leeg ni Marco. Kung nakakakitil lang 'yon ay dedbol na ito. Asar na asar ang dalaga sa kapilyuhang ginawa ni Marco kani-kanila lang. Hindi niya matanggap sa kanyang sarili ang kahihiyang 'yon. Lalo pa ngayon na nakatitig sa kanya si Marco na ngumingisi-ngisi pa. Ayaw magpatinag. "Ano? Tinitingin-tingin mo riyan?" pagsusuplada nito. "Are you just going to glare at me the whole night? Hindi mo ba ako ihahatid sa guest room na tutulugan ko? Ano ba 'yan, feeling ko talaga ang guwapo-guwapo ko sa pangingin mo ngayon. Hindi maalis ang titig mo sa 'kin, e," ayaw paawat na pang-aasar ni Marco. Rosie rolled her eyes. "Feeling mo lang 'yon, ano! Saka, hindi ka na bisita sa paningin ko. Bwisita ka na dahil na-bwisit mo na 'ko!" singhal

