CHAPTER 26

1133 Words

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Marco habang nasa bisig niya si Rosie. Maging siya ay hindi rin agad na nakagalaw. Sinulit niya ang sandali na parang yakap niya ang dalaga. Nang makaget-over si Rosie ay mabilis niyang kinalas ang sarili kay Marco. "Okay lang ako!" sagot niya saka dali-daling bumaba ng hagdan. Pilit niyang tinakpan ang pamumula na naman ng mga pisngi niya. Hindi pa ba natatapos ang pagkapahiya ko kay Marco? More to come pa ba? Aligaga niyang isip. Pagkababa niya ay dumiretso agad siya sa kusina. Nakita niya ang mommy niya na abala sa pagma-marinade ng baboy na ipang-ba-barbique nila mamaya. "Mukhang masarap 'yan, mom ah?" aniya. "Ako pa ba? Reyna ng marinade ang mommy mo!" Pilit na kinakalma ng mga oras na iyon ng dalaga ang mabilis na pagtibok ng puso

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD