Dahan-dahang iminulat ni Rosie ang kanyang mga mata. Napakurap-kurap pa siya. Mukhang napahaba ang pagkakatulog niya. Nang maramdaman niya ang kabigatan sa may bandang tiyan niya ay napatingin siya rito. Naroon ang kamay ni Marco. Kahit nanghihina ay napangiti siya. Pinagmasdan niya lang ang mukha ng nahihimbing na si Marco. She can feel her body temperature going back to normal, pero nanghihina pa rin siya. Marahang inangat ni Marco ang ulo niya at napatingin kay Rosie. Nagulat pa ito na nakapatong na pala ang kamay niya sa tiyan ng dalaga. "I-I'm sorry, Rosie! I fell asleep. How are you? A-Are you okay n-now?" tila natataranta nitong tanong. Mabilis na hinawakan niya ang noo ng dalaga pati ang leeg nito para i-check kung mataas pa ang lagnat niya. Natawa si Rosie sa inaktong 'yon n

